Chapter 28: I Came

109 5 5
                                    

Shaina Pov.

"Saan natin hahanapin si Clark ngayon Paulo?" halos humahagulgol na ako sa loob ng van. Hindi ko na kaya, sa bawat oras na hindi ko nakikita si Clark, parang unti unti akong kakapusin ng hininga.

"Hindi ko alam Shaina, maramu talaga makipag laro si Grey." Ani Paulo habang hingal na hingal.

"Beshang, tahan na. Makikita rin natin si Clark." pilit akong pinapakalma ni Aira. Umiling ako bilang sagot sa kanya. "Shss, mahahanap rin natin siya okay? Think positive."

"Hindi ko na alam kung saan pa ba natin siya hahanapin. Nahihirapan na talaga ako beshang. Konting konti nalang talaga mawawalan na ako ng pag asa."

"Shaina, huwag mo ngan sabihin yan!" sigaw ni Bryan. "Masamang damo si Clark, kaya buhay pa yon."

"Oo nga Shaina, malakas si Clark." sambit naman ni Gino.

"May alam pa ba kayong hide out nila Grey bukod dun sa old house na pinuntahan natin?" sambit naman ni Lucas sa amin habang nakatingin siya sa rare mirror.

Umiling si Gino at Paulo bilang sagot.

"I don't have any idea." sambit naman ni Bryan.

"Paano na yan!" halos maghagulgol na ako sa van. "Kailangan na natin siyang makita." sambit ko, "Please naman, kung kinakailangan na 24 hours tayong maghanap kay Clark gagawin natin."

"Shaina, tama na. Dahil sa pag iyak mong yan baka ikaw ang mag kasakit." Ani Paulo at pilit akong pinapakalmahin.

"Oo nga beshang." sambit naman ni Aira.

"No, I can't!" sigaw ko, "Ano to?! Pagod na ba kayong maghanap kay Clark?" pagak akong tumawa sa kanila habang lumuluha.

"That's not what are point Shaina!" sigaw ni Bryan.

"Then what Bryan!" sigaw ko rin sa kanya.

"Chill!" bawal sa amin ni Gino at hinawakan ang kamay ko. "Walang mangyayari sa atin kung magsisigawan lang kayong dalawa."

Narinig ko ang mahinang mura ni Bryan at niliko ang sasakyan patungo sa central park.

Ilang sandali lang ay wala na muling umiimik sa aming lahat.

"Baba na." mahinang sabi ni Bryan sa aming lahat.

Isa isa naman kaming bumaba sa van at tinignan lang namin siya, pasado alas dos na ng hapon at ni isa sa amin ay hindi pa kumakain.

"Kumain na muna tayo sa kalapit na fast food chain dito." sambit ni Bryan.

"Buti nalang naisip mo yan Bry, kanina pa ako gutom." sambit ni Lucas habang hawak hawak ang kanyang tiyan.

"Oo nga Bry! Bright idea!" pagsang ayon naman ni Gino.

Nauna ng nagpunta sa fast food chain sina Gino at Lucas dahil gutom na gutom na raw sila. Simula kasi kanina nung nagtungo kami sa Pampanga hindi na kami kumain pa.

"Shaina, halika na." pagyayaya sa akin ni Bryan.

Wala akong ganang kumain ngayon, dahil ang focus ko lang ay si Clark. 

Nanatili lang akong nakatayo. Ewan ko hanggang ngayon parang nawawala narin ako sa aking sarili.

"Beshang tara na." Ani Aira at hinawakan na ang kamay ko, siguro dahil sa wala narin akong lakas na natitira pa ay nagpatangay narin ako sa kanya.

Habang kumakain kami ay hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko.

"Uy Shaina, kumain ka na nga." Sambit ni Gino sa akin.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now