Chapter 1: Meet Shaina Marie Tolentino

439 13 2
                                    

Shaina Pov.

"Shaina ano ba tong mga pinag bibili mong ingredients ah?" masungit na tanong sa akin ng kapatid kong bunso na si Lance. OO bunso kong kapatid yan, halos 5 years rin ang age gap namin pero hindi ako tinatawag na ate, mas cool daw kasi pakinggan kapag Shaina lang ang tawag sa akin.

"Yan mga yan." turo ko sa cart na tulak tulak na binili ko, nag nod sya sa akin. "Bumili ako ng mga ingredients na yan dahil ipagbebake ko ng cake si Joshua, anniversary na kasi namin sa saturday" kinikilig na sabi ko sa kapatid ko.

"Sus, yung boy friend mong walang kwenta." bulong ng kapatid ko. Kahit na bulong lang yun narinig ko parin yon ah. Sinamaan ko sya ng tingin. "What?" masungit niyang tanong sa akin.

"Excused me Lance, hindi naman sa walang kwenta ang boy friend ko no naging busy lang talaga siya nong monthsary namin kaya hindi siya sumipot sa date namin." pagpapaliwanag ko kay Lance.

"What ever Shaina, boys are boys. Don't act like that. I can feel that your boy friend has already found another girl." seryosong sabi ni Lance sa akin habang tinutulak niya ang push cart. Awtomatikong na patingin ako sa kanya.

"What do you mean?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Kumibit balikat lang siya at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta sa may counter.

"Huy Lance, sagutin mo nga yung tanong ko." panghahabol ko sa kanya.

"What?" cold niyang sabi sa akin. Minsan yung kapatid ko ang sarap niyang hampasan ng isang bloke ng yelo. Kainis siya.

"Yung sinabi mo kanina? Sa palagay mo may babae si Joshua?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Yes. Una palang talaga hindi ko na feel yang boy friend mo kaso wala naman akong magawa dahil mahal mo siya."

"Wew?" sagot ko sa kapatid ko.

"Ewan ko sayo." iniwan niya ako dito sa kinatatayuan ko at nagtungo na siya sa may counter upang pumila. Abay bastos na batang to ah.

Habang pinapach ng cashier girl ang mga binili namin mga sangkap sa cake hindi maiwasan mag tanong ni Lance sa akin.

"Shaina, binigyan kana ba ng regalo ni Joshua?" tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya bigla dahil nagulat ako sa tanong niya sa akin. "Bakit mo naman natanong yan?"

"Just answer my question." 

"Sungit. Tss!" inis kong sabi sa kanya. Binayaran ko muna ang mga pinamili ko bago ko sinagot ang tanong ng kapatid ko sa akin. "Hindi"

"Hindi?" nagtataka niyang tanong. "You mean Shaina, hindi man lang siya nag effort sayo? Abay ang tindi pala ng boy friend mo."

"Alam mo Lance pansin ko lang ang init talaga ng dugo mo kay Joshua no? Bakit ba may kasalanan ba siya sayo? May nagawa ba siya sayo?" naiinis kong sabi sa kanya. Eh paano ba naman puro negative thoughts nalang ang mga sinasabi niya sa boy friend ko.

"Eh kasi....." hindi na niya natuloy ang sinabi niya. "Wala." mabilis niyang sinabi sa akin at binitbit na niya ang mga pinamili ko.

"Bipolar ka talagang bata ka." inis kong sabi sa kanya.

Habang naglalakad na kami ng kapatid ko palabas ng hypermarket, naisipan ko munang bilhan si Joshua ng damit sa bench. Tutal naman ay nasa mall na kami. Gusto ko kasing maging special ang anniversary namin ng boy friend ko sa saturday.

"Lance, punta muna tayong bench." 

Napalingon siya sa akin at tinignan ako ng lukot ang mukha niya na tila ba nagbubusit na sya. "Ano nanaman gagawin natin don sa bench?"

Hello StrangerWhere stories live. Discover now