Chapter 32: Moon

176 5 2
                                    

Shaina Pov.

Ilang linggo ang lumipas na naging masaya lalo ako maging ang puso ko, dahil hatid sundo rin ako ni Clark, at palagi rin niya akong dinadalhan ng Mars chocolate. Oh diba lakas maka-prinsesa? Charot! 

Ilang araw nalang ay pasko na, pero hindi ko pa alam kung ano ang ibibigay ko kay Clark. Bibigyan ko sana siya ng isang set of brief. Joke! Pero ang hirap kasing pag isipan kung ano ba talaga ang gustong kulay nang lalakeng yon.

Nasa salon kami ni Aira dahil sinamahan ko siyang nagpagupit.

"Beshang ready ka na ba for college night tonight?" tanong ni Aira.

"Oo naman, sana may dumating na mga banda."

"Isasama ko si Pau, maging sina Bry, Gino at Lucas ay sasama. Gusto raw nilang ma experience ang college night natin sa school tapos isasama rin nila ako bukas sa college night nila." sambit ni Aira. "Si Clark sasama ba siya?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya, wala naman kaming napag usapan ni Clark about sa college night namin.

Nang matapos kami sa salon ay nagtungo kami sa Jollibee upang kumain. Yup I love Jollibee but I love Clark more. Charot!

"Sige beshang mauna na ako. Kita nalang tayo mamaya." paalam ni Aira.

"Bye!"

Kaagad ko naman tinext si Clark at nagpasundo na ako sa kanya, syempre may boyfriend na ako kailangan may nagsusundo na sa akin. Kidding! Ang sabi kasi niya ay susunduin daw niya ako after namin ni Aira.

Naghintay muna ako sa bench ng mall, tumitingin lang ako sa mga dumaraan na tao. Pero laking gulat ko nang makita ko ang lalake na pinakaiinisan ko maging ang napakapabebe na babae sa balat nang lupa!

Nanlaki pa ang mata ng lalake nang makita ako. Inis akong nag buga ng hininga dahil of all peaople, bakit sila pa ang nakita ko?

Napatingin naman sa akin ang babae at biglang tinaas ang kilay niya, tinaas ko din ang kilay ko. Aba! Hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Hey babe I saw a girl that has a unlucky lovelife." parinig ni Trisha at ang stop pa sa harapan ko at yumakap lalo sa boyfriend niya.

Natawa ako sa ginawa ni Trisha.

"Babe stop." bawal sa kanya ni Joshua.

"Why babe?" maarteng sabi ni Trisha. "Wag mong sabihin na pinagtatanggol mo yang ex mong walang buhay!" 

Umiling iling ako tsaka ngumisi.

"Wala akong sinasabing ganyan babe." bawal sa kanya ni Joshua.

"No way!" sigaw ni Trisha na umagaw pa sa ilang tao na dumadaan dito sa mall.

Inis akong tumayo at tinignan ko silang masama.

"Pwede ba! Kung mag aaway kayo huwag dito!" sambit ko

"Aba matapang kana ngayon ah?!" malditang sabi ni Trisha.

"Tsk!" sambit ko at binunggo ko siya sa balikat. Wala ako sa mood makipag usap o anu man sa kanila. They are both trash.

Naririnig ko pang nagsisigaw si Trisha pero hindi ko na sila tinignan man lang. Bahala sila doon, ang tahimik ko lang naka upo sa bench ng mall upang hintayin si Clark.

Teka nga lang! Bakit wala pa yon!

Nag patuloy lang ako sa paglalakad ng may biglang humawak sa kamay. Napasigaw ako ng malakas na umagaw ng atensyon sa mga tao.

"Hey baby. It's me." natatawang sabi ni Clark.

Unti unti akong napatingin kay Clark, at sumilay sa mukha niya ang nakakalokong tingin. Medyo nagbubulungan narin ang mga tao dito sa mall.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now