Chapter 26: I'm Here

156 5 0
                                    

Shaina Pov.

Minulat ko ang mga mata ko, nagulat ako dahil gabi na pala, hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pagkakadakip sa akin nila Grey kanina sa mall, siguro dahil narin sa napagod ako kakaiyak.

Nakaupo ako sa isang upuan ngunit nakatali ang paa at kamay ko, nakatakip naman ang bibig ko ng panyo. Kahit na gusto kong magsisigaw ay hindi ko magawa.

Tinignan ko ang lugar kung nasan ako ngayon, halos manginig ako sa takot. Dahil nasa isa akong musileyo ng sementeryo. 

Halos maiyak ako sa takot dahil una sa lahat takot ako sa multo, pangalawa napaka dilim sa buong paligid. Ang tanging nag papailaw lang ngayon ay ang bilog at liwanag ng buwan.

Halos pinag darasal ko sa Panginoon na sana ay wala man masamang enkanto o multo dito, dahil mamamatay talaga ako.

Naramdaman kong muli na malapit ng tumulo ang luha ko, sana naman ay may tumulong sa akin ngayon.

Halos lumalamig narin dito ngayong gabi, kung ano man ang pakana ni Grey sa akin ngayon wala akong ideya! Noong una niya akong dinakip ay dinala niya ako sa lumang bahay. Ngayon naman ay dinala niya ako sa sementeryo.

"Diyos ko po, tulungan niyo na po ako." halos sambit ko sa isipan ko.

Sumabay narin ang paghikbi ko, dahil ayoko na!

Halos limang minuto na akong umiiyak ng may narinig akong kalaskas ng motor na patungo sa direksyon ko.

Nabuhayan ako ng loob dahil may isang tao na nagpunta sa direksyon ko, halos pumikit na ako dahil sa ilaw niyang nakakasilaw.

Halos lumundag ang puso ko ng makita ko ang taong nakasakay sa motor. Hindi niya pinatay ang makina ng motor niya upang magsilbi ng ilaw para sa amin. Kaagad siyang bumaba sa kanyang motor, nakita ko sa mga mata niya ang takot... Takot na baka mawala ako.

Kita ko rin sa mukha niya na pawis na pawis siya na tila galing sa isang karera dahil narin hingal na hingal siya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at kaagad niyang kinalas ang panyo sa aking bibig at sinunod naman niyang kinalas ang tali ko sa kamay at paa. 

Napatingin ako sa mga mata niya, halos kita ko doon ang takot at pagsisisi.

Tumayo ako, hindi parin tumitigil ang pag iyak ko dahil sa nangyari.

Niyakap niya ako ng mabilis at sumubsob naman ako sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang mabilis na pag tibok niya at mabilis niyang paghinga.

"Akala ko hindi na kita mababawi..." hingal na hingal niyang sabi, "Ilang oras kang nawala at lahat kami ay nag aalala sayo." 

Naguilty ako sa sinabi niya kaya napa iyak nanaman akong muli.

"Tahan na baby... Nandito na ako, hindi na ulit mangyayari to. Mapapatay ko na talaga si Grey kapag ginawa niya pang muli ito sayo." galit na saad ni Clark sa akin.

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

He cupped my face using his both hands and he look at me on my eyes, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Clark..." halos pabulong kong sabi sa kanya, "Maraming salamat." iyon nalang ang nasabi ko.

Ayoko ng magsalita dahil baka bumigay na ako lalo.

Umalis na kami ni Clark sa sementeryo upang dalhin na ako sa bahay namin. 

Habang nasa biyahe kami, walang umiimik sa aming dalawa. Halos nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. Sinasalubong kami ng malamig na hangin.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now