Chapter 24: Call Me Baby

181 6 0
                                    

Shaina Pov.

"Shaina, gumusing kana diyan." pag yugyog sa akin ni Mama.

"Ma..." walang gana kong sabi sa kanya habang na ka pikit pa. "Give me 5 minutes ma..."

"Anong give me 5 minutes, bumangon ka na dyan dahil si Clark nasa salas na at kanina kapa hinihintay."

Automatiko naman akong napabalikwas ng tayo dahil sa narinig ko.

"Teka ma! Anong ginagawa ng hudas na yon dito?" 

Tinapik naman ang ulo ko ni Mama dahil sa sinabi ko.

"Aray naman Ma! Masakit yun ah!" pag iinarte ko sa kanya.

"Hindi hudas si Clark no! Pasalamat ka nga't nandito siya para sunduin ka eh." sambit ng aking nanay na tila isang disisais anyos kung makakilig. Kaloka ang nanay ko!

"Wala akong paki Ma! Tsaka I have my own car."

"Nahhh!" sambit ng nanay ko at piningot ako sa tenga.

"Argh! Ma! Kanina mo pa ako sinasaktan." reklamo ko sa kanya. "Baka hanggang mamaya mabura mo itong maganda kong mukha kakasaktan mo sa akin!"

"Wow naman Anak. Ang dami mo pang sinasabi. Maligo ka na nga't baka mahuli pa kayo sa klase ni Clark."

"Hayaan mo kaming mahuli sa klase ni Clark, una sa lahat hindi kami mag ka schoolmate."

"Ang dami mo pang sinasabi ah! Isa pang salita mo babatukan na talaga kitang bata ka!" sambit ni Mama at pumorma pa ang kamay nya na tila babatukan na talaga ako.

Inis akong tumayo sa kama ko at nagtungo na sa banyo.

"Kainis naman itong si Clark! Magkasama lang naman kami kahapon. Gusto niya pang makasama ako ulit? Ayba ano siya? Sinuswerte?!" sambit ko habang hinuhubad ko ang damit ko.

After 30 minutes natapos narin akong maligo at mag ayos.

Kaagad akong bumaba upang magtungo na sa salas. Pinag darasal ko na sana good mood ang kapatid ko ngayon. Dahil alam ko na pagdating sa closeness namin ni Clark, nagagalit si Lance. Do you still remember nung nabaril ako? Solid kaya yung galit ng kapatid ko non. Sagad to the bones.

"Ayan na pala ang hinihintay mo." sambit ni Lance kay Clark at iniwan na kami sa salas at umakyat na siya patungo sa kanyang kwarto.

Napatingin naman ako sa salas, wala sina mama at papa. Siguro nasa kusina na sila.

"Ang tagal mo." sambit ni Clark ng salubungin niya ako.

"Sinabi ko bang sunduin mo ko dito ngayon?" masungit kong sambit sa kanya.

"Sungit mo bi." sambit nya.

"Anong bi naman?!" kuno't noo kong tanong sa kanya.

"Bi. As in Baby." sambit nya at mabilis nya akong inakbayan.

"Sira ulo ka talaga!" sambit ko sa kanya at siniko ko siya bigla. Napadaing naman siya sa ginawa ko. "Kumain ka na ba?"

"Hmm... Hindi pa." nakangiti nyang sabi.

"Kumain sa Mcdo. Alis na. Tsupi!" pagtataboy ko sa kanya at tinulak siya palabas ng pinto ng bahay namin.

"Teka... Teka lang! Bi naman." pag pipigil niya sa akin.

"Huwag mo nga akong ma bi-bi-bi dyan! Dahil una sa lahat hindi ako mukhang bibe!" siwag ko sa kanya.

"Teka wala naman akong sinasabi na mukha kang bibe ah." pagpapaliwanag niya.

"Che! Ang aga aga pinepeste mo nanaman ako!"

Nang nasa tapat na kami ng pinto at tipong papalayasin ko na sya ng biglang dumating sina papa sa salas. Wrong timing naman eh!

Hello StrangerWhere stories live. Discover now