(Dane P. O. V)
Agad akong ginising ni Manang Gilda dahil nga daw pasukan na.Oh! Life is hard! Tsk pasukan na naman! At ngayon din sa School na ako ng mga ate ko papasok.Bwiset lang di ba?Parang kahapon lang ang saya-saya ng buhay ko tapos ngayon welcome to hell world na naman...Hindi naman sa hate ko ang School, nakakatamad lang bumangon ng maaga.The struggle of a student is real.
Naligo na lang ako ng diretso,nagbihis,nagtoothbrush,kumain tapos toothbrush ulit.Naisip ko rin kung ano ang silbi ng pagtutoothbrush haha.Yung mga kapatid ko? ayun nagpapaganda pa sa bawat kwarto nila.Hays...buti pa sila di hustle,pa-easy-easy lang.Tsk, ganyan ba ang buhay sikat?kahit malate ng first day of school okay lang? Baka nga.Big deal kasi yon sa akin kaya ganyan.
Nag-antay pa ako ng 40 minutes bago sila matapos.Gagsti lang inubos nila oras ko.
"So girls,ready na ba kayo?"ngiting sabi ni ate Abril.Malamang naman di ako kasali sa sinabi niya kaya bahala na.
"Of course ate.Actually kahapon pa"tugon naman ni ate Bella.Sus! ganyan ba ang mukha ng ready?Kung ready yan malamang kanina pa sila nasa School.Mahirap talaga pag walang kapatid na lalake.Sana pinanganak na lang akong lalake.Siguro sobrang saya pa non.It's hard to deal with girlies.
"Ate Gilda? Where's Mommy? I thought she'll be the one to lead us in School?"-Abril
"Ah ma'am pasensya na lang daw po,maaga po siyang umalis ng bansa.Aasikasuhin niya daw yung-"
Ate Abril cutted Ate Gilda.
"Whatever.Tara na nga girls"pag-anyaya niya saka lumabas ng bahay.Hays buti naman makakaalis na rin.
"Sige po ate Gilda.Alis na po kami"sabi ko.
"Sige po ma'am Dane.Mag-iingat po kayo"
Paalis na sana ako ng bahay ng-
"Oops! cap ko nga pala"aish nakalimutan ko.Umakyat ako ng hagdan papuntang kwarto saka kinuha yung cap ko.Sinuot ko ito.Bawal ito mahiwalay sa akin.
Pagbaba ko ng hagdan,nandoon si Ate Gilda sa may pintuan.
"Oh! ma'am Dane.Bakit nandito pa po kayo?"
"Ah nakalimutan ko po cap ko Ate Gilda.Bakit po?"
"Eh ma'am...kakaalis lang po ng kotse.Akala ko nandoon na po kayo"Paktay! Pano na toh?Ako na nga nag-antay ako pa naiwan.Hays sama talaga ng loob nila sa akin.
"Magpahatid na lang po kayo kay Conor"-Ate Gilda
Ayoko baka maabutan pa kami ng traffic.
"Huwag na po Ate Gilda.Magbabike na lang po ako"
"Sigurado po kayo? baka mabangga kayo mamaya niyan"
"Opo....hindi naman ata mangyayari yan"Buti na lang nadala ko rin yung bike ko bago umalis.Dinala ko talaga yun para pag walang magawa, magbabike ako dito sa buong subd."Sige po aalis na ako"
"Mag-iingat po uli kayo"
Kinuha ko na ang bike ko na nakapark malapit sa isa pang kotse saka lumarga.Kabisado ko naman ang daan papunta sa School ng mga di kong kaclose na mga kapatid kaya kampante ako gumamit ng bike.Di bale hindi ako nakapalda.I hate skirts.Only pants lang ako and t-shirts.
BINABASA MO ANG
Three Girls and a Girly Heart of a Boy
Novela JuvenilLeast that you know, someone who has a boyish look can be one of the most admirable among these lovely ladies. Meet Dane, ang gamer at tropa ng lahat. With her boyish personality, she never had a thought of changing what God gave her. Until she met...