Kabanata 9

4 1 0
                                    

Hayaan mo.. sa susunod ako na mismo ang magsasabi sa iyo

Lintek talaga o! Hanggang ngayon ginagambala pa rin ako ng salitang 'yan. Tsk! Siguradong eyebags abot ko nito.

Ano bang meron sa mga salitang meron siya. Bakit parang masyadong pa-affect.

Buwisit! Makapanood nga muna.

Bumangon ako ng kama at sinet-up 'yung hardrive na may movies. Pinanood ko ang Tekken.

Nakakaenjoy tuloy manood parang nagmovie marathon lang dahil matapos ang Tekken, Mortal Combat naman ang sinunod ko. Matagal-tagal ko na ring huling napanood 'to. Final Fantasy kasi ang tinapos ko. Nirekomenda naman ni Mac na panoorin ko raw ang all season ng Prison Break dahil maganda daw iyon. Next time na lang, gusto ko related sa games ang mga papanoorin ko.

Maya-maya lang naramdaman ko na ang pagbagsak ng talukap ko.

---

Hutek! Langya men naudlot ang tulog ko.

Ang bilis-bilis kong magbisikleta papunta ng school at ang lakas-lakas ko magpadyak na akala mo nakipagkarera kaya lahat napapatingin sa akin. Ngayon lang ako nalate sa tanang buhay ko.Sa minamalas nga naman o. Lintik iyang si Sky ginugulo utak ko pagkaaga-aga. Siya may kasalanan kaya ako puyat.

Pagkarating, binalandra ko na lang ang bisikleta ko kung saan sabay takbo papasok ng building namin.

Pinakuha pa ako ng late pass para ipapirma sa adviser namin.

"What made you late Ms. Johnson?" iyan ang tanong ng adviser namin sa class habang nanlalantang-gulay akong napatingin sa kaniya. Sa apat na sulok ng klase ay rinig ang hingal ko.

Teka! Ayos din tong adviser namin ah. What made you late daw? Di ba pwedeng why are you late na lang?

Sasabihin ko bang may insomnia ako o sasabihin ko iyong totoo na dahil sa isang lalaki. Teka parang mali naman ata na 'dahil sa isang lalaki' parang iba sa pandinig. Baka sabihin nito.... nakow~

"Uh sir, nagmovie-marathon at naglaro ng new game release hehe" paliwanag ko dito sabay kamot sa batok.

Totoo ang sinasabi ko. Ako pa! It's just part of my little lie but it comes from major reason kung bakit din ako napuyat.

"I see. I like your honesty but please avoid being late in class next time"sabi niya ng matapos niyang pirmahan ang late pass ko. "Submit this and come back right away dahil may surprise quiz tayo"napatango naman ako sa sinabi niya. Agad nagsipagreact ang mga kaklase ko sa narinig. Syempre surprise quiz nga e, meaning lahat kami walang kaalam-alam at hindi pa nakakapagreview.

Tinahak ko naman ang daan sa office administration. Doon ko na pinasa ang late pass na siyang assistant naman ang nag-abot. Bumalik naman ulit ako sa klase ng matapos. Tulad ng sinabi ni sir, nagkaroon nga kami ng surprise quiz sa Science subject. Out of 20 I got 13. Hmm not bad for guesses.

It's recess time, binabagabag ako ng mga nakalap kong tsismis sa tabi-tabi.
"Beks I heard pinili ang Johnson sisters para sa cover ng magazine ng school"

"I heard that too. Like no effin way! My beauty beks natatabunan na ng kanilang beauties!"

"Ang swerte talaga ng magkakapatid na iyon. Sana kapatid na lang din nila ako beks noh?"

"I agree beks"

Mga naghihisterical na kwentuhan ng mga bakla sa tabi-tabi. Di wow~kayo na lang sana sa pwesto ko. Tingnan na lang natin kung gustuhin niyo pa.

Nakakita naman ako ng bakanteng upuan sa canteen matapos mag-order ng makakain pero hindi pa ako nakakasubo, nagpantig na ang tainga ko sa narinig.

"Ang gwapo nung lalaki sa simbahan. Kinikilig ako"-girl 1

"Ako din buong mass nasa kanya lang paningin ko. Like girls hindi ako makapaniwalang may sacristan don na ganon kagwapo"-girl 2

"Kaso hindi makatarungan ang pagpapakilig niya. Balita ko kasi magpapari daw yun"-girl 3

"Nakakalungkot noh? Sayang siya. Sayang din ang genes na mabibigay niya kung sakaling magkapamilya siya huhuhu"-girl 4

Naintriga ako sa kwentuhan nila at nanghinayang din. Haisst sino kayang swerteng lalaking yon? Palit kaya kami ng pwesto? Kung ganon ba naman ako kagwapo bakit pa ako magpapari? Siguro bakla yon, pinilit lang ng ama hehe.

Nakinig pa ako sa usapan nila, masyado talaga akong naintriga.

"Gosh girls! Magkaroon naman tayo ng positive side. Syempre may pagkakataon pa tayo noh?"-girl 1

"At paano mo naman nasabi?"-girl 3

"Syempre sacristan palang yong tao. Nasa proseso ang pagpapari kaya kung hindi pa tuluyang naging pari yon, malaki ang pag-asa nating mga umaasa"-girl 1

Hmm may point toh. Napatango-tango na lang ako sa sinabi ng babaeng naglalagay ng lipstick habang nagkukumpulan sila ng tatlo niya pang kaibigan.

"Ang galing mo beh!"-girl 2

"Oo nga noh?! Di ko naisip yon. Di ko kasi alam mga sacri-sacristan na yan"-girl 3

"Nabuhayan ako ng loob sa sinabi mo! Aattend ako ng mass ngayong Sunday!"-girl 4

"Ako rin!"--lahat sila

"May tsismis pa akong isa tungkol sa kaniya. Hulaan niyo kung ano" kinikilig na sabi ni girl 4

Sa reaksyon ng tatlo, sabik na sabik silang malaman. Para tuloy akong isa sa kanila na gusto ding ipagpatuloy niya ang sasabihin niya.

"Spill the tea girl"-girl 3

"He's also a varsity member sa basketball ng school na pinapasukan ng pinsan ko"-girl 4

"Gosh! Ang hawt naman! Basketbolistang banal!"-girl 2

"Sinabi mo pa"-girl 3

Nagsipag-apiran pa sila sa isa't-isa at nagtawanan na tila nagsising-ayunan.

"And most of all alam ko ang pangalan niya" taas-noong sabi ni girl 1

Ayun nagsipagtilian ang mga kasamahan.

"Siya si--"

Biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang recess.

"lar---"-girl 1

Hindi ko na narinig dahil pagkain ko na ang pinagbalingan ko. Sinubo ko ng mabilisan ang hamburger na may palamang sisig na inorder. Muntik ng mabulunan buti na lang nakainom agad ako ng tubig.

Nauna akong umalis ng canteen na hindi na nilingon pa ang nagkwentuhan kanina.














ヾ( ̄▽ ̄)Bye~Bye~

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon