Kabanata 13

9 1 0
                                    

Holly Molly Macaroons!

Kapag ganitong mukha ang makikita niyo sa umaga siguradong gaganahan kayo. Poke! Ang gwapo ko talaga.

Bigla akong napaisip nang marealize kong undercut na lang ang kulang at mukha na akong lalaki. Iyong gwapoging Dane.

Pero siyempre hindi mangyayari iyon dahil unang-una,kakalbuhin na ako ng tuluyan ni Dad pag sakali mangyari iyon. Siya ang number 1 fan pagdating sa buhok ko. Gusto niya daw kasi ang ganda ng buhok ko. Mahaba at straight. FYI hanggang baba ng balikat ko ito kahaba. Sabi niya puwede na daw ako pumalit sa mga actress na nag-aadvertise ng mga shampoo. Dagdag pa niya kahit hindi na daw kailangan shampoo-hin buhok ko ayos na. Like what da poke! Eddy ang baho na non.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para magbreakfast. Tanging si ate Caitlin lang ang naabutan ko doon na sumusubo ng bacon.

Tahimik akong nakaupo sa harapan niya. Wala kaming kaimik-imik don, tanging pinagsandok kong pagkain lang ang maririnig sa lamesa.

Susubo na sana ako ng tuyo. Oo tuyo kasi masarap e. Siya na ang bumasag ng katahimikan namin.

"Who are those guys wou were with yesterday?"tanong niya sa kawalan na nanatili pa ring nakatingin sa kinukutsarang niyang pagkain.

Kumunot-noo ko. Sinisigurado kong ako ba talaga ang kausap niya o may iba pa.

"Ako ba kausap mo?"sabay subo ko ng kanin with tuyo na sinawsaw sa sukang may sili.

"Yes of course. It's just the two of us"

Naninigurado lang e.Masyado toh. Malay mo may kausap sa phone na invisible. Wahaha walang ganon ugok. Sa advance technology lang iyon.

"I see...those are my tropapips ate Cait"walang gana kong banggit. Himala ang isang toh. Ngayon lang ako tinanong tungkol sa akin este tungkol nga ba talaga sa akin iyon? Hmm..

"Tropapips? What's that?" naguguluhang tanong niya.

"Tropapips. Tropa + pips Tropapips"

Bumusangot tuloy siya kaso hindi bagay sa kanya.

"Jok lang. Mga kabarkada ko,kaibigan" sumubo ulit ako sa pang-apat na beses. Masarap talaga ang tuyo. Puwedeng puwede ibaon sa school.

"You mean boy na friends?"

Kulit din ng kukote ng tot na toh. Ano ba ang kaibigan? Pakiexplain sa kaniya.

"Yeah why?"

"Nothing. It's just that you're having fun hanging with boys instead of girls. Wala ka bang kaibigan na babae?"

Wala. Baka mainlove sila sa akin. Responsibilidad ko pa. Haha. Oy half truth iyan huwag kayong ano!

"I don't have one and to be honest...mas maganda may mga barkada na lalaki. They're open-minded, hindi plastik, direct to the point at masayang kasama. Last but not the least,makakasama mo sa lahat ng kalokohan"ngiti ko.

"Oh, is that so?"parang hindi makapaniwalang mukha ang pinapakita niya.

"Yup" sarap ng pagkain man! "Bakit mo nga pala natanong"

Tumingin muna siya sa akin ng mabilis then clears her trhoat.

"I-I just thought na nakidnap ka kahapon since their umiform is different from us"

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko.

"Concern ka ba sa akin?" pagdidiretso kong tanong.

"W-what? Of course! I'm not a bad older sister afterall. I cared for my family"

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon