Kabanata 10

6 1 0
                                    

Nagtext si Boone boi sa akin kanina na may pupuntahan raw kami. Hindi naman sinabi kung saan basta daw hihintayin nila na lang daw ako sa labas ng school para sabay-sabay na kami pupunta roon kung saan mang lupalop na lugar yon.

Syempre excited ako. Kayo ba naman magkaroon ng barkadang magsusundo sayo sa school. Alam ko namang tournament ang pupuntahan namin dahil bukod don wala na akong ibang posibleng maisip na dahilan.

Sa buong-araw na toh mukha talaga akong nasa karera dahil hanggang ngayon papunta ng parkingan tumatakbo pa rin ako. Walang kapagurang takbo toh.

Nang malapit na ako sa pinagtapunan ko ng bike ko kaninang umaga nagulat akong walang bakas na bike akong nakita.

FUZAKEN JANEE YO

<(`^´)>

(`Δ´)!

Nak ng tokwa! Saan naman napadpad yon e iniwan ko lang yon dito?

Napalinga-linga pa ako sa paligid nagababasakaling matagpuan ang hinahanap kaso wala talaga!

Riiingarooo Riiingarooo

Kinapa ko sa bulsa ang nagriring kong phone.

Boone's Boi calling....

Sinagot ko naman agad ito.

"O?"

[Nasaan ka na pareng Daneng]

Napatampal ako sa noo ng maalalang nag-aantay nga pala sila sa akin sa labas ng gate.

"kasi papunta na ako diyan!"

[Si-]

Toot toot toot

Pinatay ko na agad at tumakbo na naman palabas ng gate. Pagdating ko doon nakita kong may tinitingnan sila sa tabing kotse. Nang mapalapit nasigurado kong mga tot ko palang kapatid ang pinagkakaguluhan sa labas kaya ganon ang reaksyon nila.

"O baka lumuwa mga mata niyo. Pssh" pang-aasar ko sa kanila na parang di na maialis ang tingin sa tatlo kong kapatid na busy mag-ayos ng make-up sa kotse. Halatang ngayon na sila magsu-shoot para sa nabanggit na magazine cover. Nakaayos kasi ang kani-kanilang suot. Si Ate Abril na siyang maiksi ang palda at matingkad ang ganda dala ng make-up pero hindi pa rin hadlang ang make-up sa gandang meron siya. Si ate Caitlin na siya namang manang manamit dahil may kahabaan ang palda kumpara sa dalawa pero kitang-kita ang ganda niya sa likod non.At si ate Bella na girlyng-kwela ang pananamit at morenang-morena, natural na ganda kumbaga.Mukhang may iroroleplay ang mga suot nila.

Naurat ako dahil parang wala namang narinig ang tatlong ulok na toh.

Si Boone, Mac at Nute ang nagsundo sa akin kahit na malayo pa ang binaybay nila. Wooh! Ayos talaga mga tropa ko hindi nila ako nakakalimutan sa lakad nila.

Napatikhim ako ng dalawang beses hanggang sa mapatingin sa akin si Boone.

"Tropang Daneng nandiyan ka na pala. Kanina ka pa?" Sabay lapit niya sa akin na nakangiti.

Hawak ko ang dalawang laylayan ng backpack at nangingising nakatingin sa kaniya.

"Ako? Haha hindi a. Hindi ko nga alam anong pinagkakaabalahan niyo kaya di ninyo napansin na nandito na tropa niyo"sarkastiko kong tugon.

"Pasensya naman pareng Daneng naabala lang kami nung pinagkaguluhan na tatlong babae yon o" nguso niya banda sa mga tot na ngayong may kausap nang mga staff.

"Oo na oo na" nakipagfist-bomb pa siya sa akin at tinawag ang dalawang mokong.

"Pareng Daneng"-Mac

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon