Kabanata 11

6 1 0
                                    

Sobrang dami ng tao sa dinadaanan namin.Marami akong nakikita na may suot na manipis na tela, kulay asul at pula yon, nakalagay sa kaniya-kanyang ulo.Meron ding mga dalang posters na may 'Go PHU' etc, pompoms at kitang-kita don ang mga cheerleaders na nag-eensayo sa tabi.

Tinabig ko ang alak-alakan ni Mac na muntikan nang muntikan na niyang ika-out of balance. Hahagalpak na sana ako ng tawa pinigilan ko na lang.

"Nak ng! Sino yun?"kunot-noo niyang tanong sabay tingin sa aming tatlo na nasa likuran lang niya. Nagkibit-balikat na lang kaming tatlo.

Wagas kasi makatingin kaya ayun.Chix n legs alam niyo na.

Kinalabit ko naman si Nute sabay bulong dito.

"Maghahanap ba tayo ng chix dito?"

"Pfft~ agik hindi" pigil-tawa niya.Parang adik,seryoso kaya ako sa tanong ko.

Puro kababaihan kasi nakikita ko bukod sa mga baklang nagkukumpulan don na akala mo nanalo sa lotto dahil sa kakatili.

"Eh ano bang meron? Kanina niyo pa di sinasabi sa akin"

"Makikita mo"maikling sagot niya.

Ilalabas ko na sana ang mahiwagang gitnang kamay kaso pinigilan ako ni Boone kaya sa huli pinadaan ko na lang sa buhok ko. Gagayahin ang F4~

Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako at nagpatianod sa agos ng lakad namin. May agos at wala kayong pake dahil si pake ayaw din sa inyo. O sasabat pa?

Jok lang. Kayo naman masyadong seryoso.

Namangha ako sa nadatnan ko. Biruin ba namang may ganito palang kalaking gym sa loob ng University na toh. Astig!

Umupo kami banda sa gilid pero sa may medyo kataasang posisyon. Bale akala mo pang arena. Basta sapat na yung mga upuan para mapuno ng mga estudyante o manonood.

Ngayon si Mac na lang tinanong ko dahil langkwenta yung dalawa. Tsk!

"Ui ano ba talagang meron? May tournament ba?"siko ko sa kaniya.

"Wala" maikli niyang tugon.

Inismiran ko siya.

"Seryoso tol"

"Mag-antay ka lang" sa sagot niya gusto ko siyang hambalusin.

I crossed my arms  at nakapandekwatro akong upo na agad nilang pinigilan.

"Umayos ka nga"-Boone
"Wag kang bumukaka"-Nute
"Tuli ka na ba?"-Mac

Napatampal ako sa noo sa mga naging reaksyon nila. Langya nauurat ako.

Hindi ko sila pinansin at agad ibinaba ang kanina ko pang tinatago na black leggings na hanggang tuhod ang haba.
Eat mah sheet madam pokers

Umismid ako.

Natameme tuloy sila.

Don't judge the owner of its suot. Just show them what you got. Pero dapat may limitasyon din tayo lalo na kapag hindi na karapat-dapat sa paningin ng iba at hindi na tayo nagiging kumportable. Iyon dapat ang iwasan natin lalo na pag may ganito akong mga kasamahan. Tangama nila di ako natutuwa.. but stating the fact, I like how they're concerned about me. Sighs.. I know I'm still a girl, that's the fact and I can't change it. Pasalamat na lang ako na may mga kaibigan akong nakakaintindi.

Actually nangangati ako sa leggings ko dahil palagi itong nakatupi para lang maitago then pag nasa labas ayown free galaw na.

Mamaya-maya lang ay nag-echo na sa buong gym ang boses ng emcee. Sign na para magstart kung ano mang okasyon tong pinuntahan namin.

Nakaupo naman sa kani-kanilang upuan ang mga manonood na karamihan nakita ko sa dinaanan namin kanina. Ibinalandra na nila ang kanya-kaniyang gawa na banner. May mga yell pa sila.

Ayos tong tournament. Mukhang mag-eenjoy ako. Napangiti ako sa naisip.

Napakunot ang noo ko ng may nagsilabasang cheerleaders magkabilaan at nagform ng ewan sa gitna na agad namang sinimulan ng music.

Ano ba toh?

Bakit wala akong nakikitang sign sa expectation ko?

Ang daya, wala man lang maganda? I mean yung type ko? Yung taste ko? Pambihirang cheerleaders. Magaganda ang suot pero walang umubra sa paningin ko.

Pinagtitinginan tuloy ako ng tatlo. Alam na nila pag ganito ang mukha ko. Pinagtawanan tuloy nila ako. Mga adik!

"Ayos lang yan pareng Daneng, hindi naman sila ang pinunta natin dito" tapik-tapik sa akin ni Boone sa balikat.

Hindi na ako nagtanong kung sino ang pinunta namin dito dahil sigurado akong wala akong makukuhang sagot na matino.

After the cheerleading team, the emcee announced the following choochooness.

Narealized ko na. Kitang-kita na ng dalawang mata ko kung ano pinunta namin dito.

Basketball

Lintik na basketball.

Dismayado akong napatingin sa gitna ng court kung saan ipinakilala na ang mga players ng kabilang team. Magkaibang upuan kasi, kami nasa PHU na nasa blue team at yung kabila THA na kulay red naman.

Because of boredom and disappointment, my right foot started to move up and down in a fast speed. Sa nakapandekwatrong posisyon pa rin syempre. I don't know what everyone called it, basta yun na yun. At ang kaninang nakacross-arms ay ipinatong ko na sa sandalan. Cool na cool sa posisyon ko *wink*

Makisama kayo ah! Ganito ako pag bored.

Matapos ang kabila, sa PHU naman ang pinakilala. Nauna ang Captain ng basketball team.

"Wearing number 1! The Captain and the former MVP! Luicida, Igmediuz L'shi!"

Nabingi ako sa hiyaw, palakpak at tilian, sigaw at kung ano-ano pang reaksyon sa loob ng gym. Natakpan ko tuloy ang magkabilaang tainga ko.

POKERS!

Mukhang sikat ang ugag.

Pumangit lalo ang itsura ko sa kakakunot ng noo dahil unang-una ayaw ko ng maraming tao lalo na pag may tilian. Wala naman kasi ganyan sa tournament naming mga gamers. Murahan ayos pa wahaha.

Marami pa ang sumunod ang inintroduce hanggang sa mapadako ang mata ko sa huling player na naglalakad patungo sa mga kasamahan niyang nakalinya sa gitna ng court.

Nak ng tofu..

"And finally, ang kinikilalang best in rebound and assists pero hindi lang iyon, sikat rin siya sa tawag na Mr. Sacristan. Skylar Colt Aguilar!"

At hindi ko inexpect....

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Imbes na tili, sigaw o kahit ano.

Nagsign of the cross at nagsipagtaas sila ng kamay habang nakapikit. Parang nagbibigay-pugay.

Lintik
.
.
.
.
.
Kakaiba toh a

Di ata ako bagay dito, sobrang tahimik. Langya.

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon