Kabanata 2

20 1 0
                                    

Nag-iimpake ngayon ng mga gamit niya si Dane.Dalawang maleta ang inilabas nito mula sa kabinet niyang malaki.Ang isa ay para sa mga damitan niya at yung isa naman ay para sa iba niyang kakailanganing gamit.Naglabas pa ito ng maliit na lalagyan,paglalagyan niya ito ng Ps4.Dinala niya talaga ito.Kung sakaling wala siyang magawa ay ito ang pagtutuunan niya ng pansin para may mapaglibangan.

Bakit nga ba nag-iimpake na siya ngayon?Saan ba ang punta niya?

Ganito kasi yun............

____flashback____

Pag-uwi ni Dane kahapon ay naabutan nito si Mr. Oliver sa Living room nila.Nakahiga ito sa loveseat sofa at tila nakatulog na.

Ginising naman ito agad ni Dane saka umupo sa kabilang upuan,yung madalas niyang inuupuan-yung sofa chair.Humiga na naman siya dito at saka inalis ang suot nitong cap.

Napa-upo si Mr.Oliver.Hinihila-hilamos pa nito ang mukha saka hinarap si Dane.

"Dad.Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin?"pagsisimula ni Dane.

"Ah,yun ba?"hinimas ulit ng ama niya ang mukha nito bago magpatuloy."I just want to tell you we discussed earlier about my forthcoming Business Trip"

"Bakit Dad may naganap bang pagbabago?"sabi nito na hindi man lang tumitingin.Subalit ang tuon nito ay sa cap lang niya na iniikot-ikot nito sa kanyang hintuturo.

"Actually there is"

"At ano naman iyon Dad?"tanong pa nito na ngayon ay sa ama na ang tingin niya.

"Well mapapaaga ako ng punta at yun ay bukas na"

Nagulat si Dane sa nasabi ng ama at agad na umayos ng upo.

"Eh Dad bakit naman bukas na? May kailangan pa kaming asikasuhin ng mga kaibigan ko bukas at masasayang lang 'yon"May pupuntahan kasi silang magbabarkada bukas at tungkol naman ito sa laban.Kumbaga may tournament na mangyayari para sa mga gamers at napagpasiyahan nilang sumali rito dahil unang beses lang nila mapasabak sa ganitong event.At bukas nila gagawin ang pagregister para naman makasali sila.

"Nak....kailangan ko lang talaga mapaaga para hindi masayang ang oras ko.Sayang yung mga kleyente namin.At saka isa pa baka naman pwede niyong gawin iyan sa ibang araw"

Hindi na sumagot pa si Dane.Alam naman niya na para ito sa kinabukasan niya kaya pinagbigyan niya ang ama.

"Pack up and tomorrow we will leave too early para ihatid ka sa mga kapatid mo"

___End of Flashback___

Pagkatapos ni Dane mag-impake ng mga gamit niya ay agad naman nito kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa kama.Tinext nito ang mga barkada niya.


                                                        TROPA'S

                                                 Today 7:30 PM

To: Boone,Rhett,Sky & 2 more.....

Guys pasensya di ako makakasama sa inyo bukas...

                                                                                    Dane

Message sent 2 mins. ago


Inilapag ni Dane pagkatapos ang cellphone saka naman pumunta ng bathroom para maligo.Pagkatapos nito maligo ay lumabas na ito ng C.R habang pinupunas-punasan ang ulo ng tuwalya.

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon