Ginamit namin ang kotse ni Captain Adik. Bumili kasi sila ng makakain sa Sibin Ilibin para daw sa buong team. Hindi na sumama pabalik si Sky dahil nga sa kagwapuhan ko.
Sa totoo lang ngayon pa lang ako makakapasok sa bahay nila Sky.Maganda ang bahay nila mula sa labas,simple lang na two storeys.
Naunang naglakad sa pintuan nila si Sky nang maabot namin ang gate nila.
"Get in"kalmadong sabi niya.
Syempre ako sumunod naman.Excited rin akong ma-meet ang pamilya niya eh lalo na si Tita at sisteret niya na twice ko lang nakita sa malayuan sa buong buhay ko.
Luminga-linga pa ako sa paligid ng bahay nila nang makapasok ako.Ang linis at organize parang puwede ng higaan sa kintab at kinis ng sahig.
"Follow me"
Napatingin ako kay Sky nang magsalita ulit siya.Nag-aantay na siya sa ilang steps ng hagdan na liningon ako.
Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya hanggang pumasok kami sa isang kwarto.
Nakatayo lang ako don na parang estatwa na nakapuwesto sa mat malapit sa pintuan.Nakatingin lang ako sa kaniya na may kinukuha doon sa Cabinet niya.
Grrrr nanginginig ako sa lamig.
"Maligo ka muna.Nasa gilid mo ang banyo"
Napakurap-kurap akong nakatingin sa kaniya.
"Y-yeah"dali-dali kong nilapag sa isang maliit na mesa roon ang bag ko at dumiretso ng banyo.
Poke! Nakakakaba naman dito.
*Gulps*
Kwarto niya pala ito.Sheet!
Nasa kalagitnaan na ako ng pagligo at dinamdam ang may kainitang tubig nang may kumatok.
"Ikaw ba iyan Sky?"paninigurado ko.
"Yes"maikling sagot niya. Sinabi niyang may ibibigay lang na tuwalya kaya inabot ko naman sa may kaliitang bukas ng pinto ng banyo,gumilid pa ako para siyempre hindi makita.Nakakahiya namang naked ako baka paglawayan niya pa abs ko eh hehe.
Matapos akong maligo lumabas na ako.Naabutan ko pa siyang nakaupo sa may swivel chair niya na nakatalikod sa akin.Nasa harap niya ang mga PC niya.Tatlo-tatlo iyong nakahilera at may iba-ibang kulay.Sa gilid ang mga video games na disc,nakaayos sa lalagyanan niyang aparador.Sobrang dami dinaig pa ata kaming barkada niya. Yayamanin!
I cleared my throat to get his attention.
At nang lumingon siya napaiwas agad siya ng tingin.
"So-sorry"sabi niya.Nag-init tuloy ang pisngi ko sa inakto niya.
Sino ba namang hindi mao-awkward pag ang isang tao nakatuwalya lang na lumabas ng banyo niya. Alam niyo na hindi naman talaga maiiwasan ang katotohanan na babae pa rin ako kahit ganito ako kumilos at lalaki siya.
*Sighs*
Mamaya-maya lang ay inabot niya sa akin ang isang hoodie at parang jogging pants.Nakapikit siyang ginawa iyon.
"Ito muna ang gamitin mo.I-I'll go down to get some merienda.Take your time" at tuluyan siyang umalis ng kwarto.
Poke! Why is this embarassing?

BINABASA MO ANG
Three Girls and a Girly Heart of a Boy
Teen FictionLeast that you know, someone who has a boyish look can be one of the most admirable among these lovely ladies. Meet Dane, ang gamer at tropa ng lahat. With her boyish personality, she never had a thought of changing what God gave her. Until she met...