Kabanata 8

10 1 0
                                    

I'm dumbfounded.

Wala ni isa ang umimik sa amin. Halos lahat nakatitig kay Sky.

Parang may part sa akin na nalungkot sa sinabi niya... siyempre sino ba namang malulungkot e halos perpekto na siyang tao wala lang lovelife.

"Kawawa girls sa'yo dre" iiling-iling na sabi ni Boone.

"Papi Sky why? Why? Why?" pag-iinarte ni Rhett na sinundan ni Mac sa kakulitan.

Napangiti ko na lang silang pinagmamasdan sabay tingin kay Sky na tinatanong na naman ni Nute.

"Bawal ba umibig ang isang sacristan?"

Napaisip tuloy ako sa tanong niya.

Bawal nga ba?

Hindi naman kasi ako palasimba kaya hindi ko alam kung bawal ba. Ang importante ay ang koneksyon namin ng Panginoon.

Habang inaantay ang sagot ni Sky ay medyo nagulat na lamang ako na sa akin siya nakatingin habang nagsasalita.

"Depende... depende sa isang sacristan. Sacristan pa lang naman" sagot nito.

"Ganon ba.."-Nute

"Di ba may balak kang maging pari? So ibig sabihin non pag nagsimula ka ng umattend ng seminaryo edi bawal ka umibig"-Boone

"H-huh?!" Napareact tuloy ako na pinagsisihan ko dahil lahat sila napatingin sa akin.

"O? Bakit ka ganiyan makareact? Huwag mong sabihing gusto mo si Sky kaya tutol ka sa kagustuhan niya?" pang-aasar ni Mac na may kasama pang taas-babang kilay.

"H-hindi ah!" Napasimangot kong tugon.

"Ayieee~defensive"-Boone

"Nagiging babae na ang tropa natin. Ama  prawd Mama" sisinghot-singhot na sabi ni Rhett.

Buwisit kinaltusan ko nga.

Hindi tuloy ako makatingin kay Sky na nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin sa akin.

"Kita mo na Sky? Pati si pareng Daneng nababakla sa iyo kaya huwag mo na ituloy" ngumingisi-ngisi namang sabi ni Nute na kinainis ko.

Nakita ko pang nagform ang lips ni Sky pa-smile.

Siyet...

"Tumigil nga kayo! Kayo ipapabayad ko dito" kaurat.

"Haha oo na oo na" sumusurender na tugon nila.

"Naku ginamit pang ang libreng pagkain para---aray!" Ayan napala ni Rhett kulit kasi.

"Daya niyo naman kasi..." ngumiwi kong pabulong.

"Madaya saan?" tanong ng nasa harapan ko.

Lintek na tengang meron siya. Narinig niya pala iyon.

At ayun napatingin ulit ang mga tukmol.

"Madaya kayo kasi.... hindi niyo sinabi na gusto mo pala maging pari. Akala ko ba tropa-tropa tayo kaya dapat nagsasabi tayo ng mga bagay-bagay tungkol sa atin para naman updated tayo sa bawat isa" mahaba kong litanya. Langya nagdrama pa ata ako. Hayst

"Oo nga pala nakalimutan ko sabihin kay Daneng. Iyong chix kasi sa school nila ang napag-usapan namin" may peace sign pang pangiti-ngiti ni Rhett.

Kaya pala... siya pala ang may kasalanan kaya hindi nasabi sa akin.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin kaya tumawa na lang sila.

Ngumiti naman ang nasa harapan ko.

Natapos ang kainan sa kuwentuhan at kalokohan. Siyempre hindi din mawawala ang topic namin tungkol sa mga laro. Nanalo daw sila nung sumali sila sa combat game online kaya nag-uwi sila ng ₱ 20, 000.

Dapat sila nanlibre e pero huwag na.. mas mabuti na siguro ako ang manlibre dahil sa ngayon malayo at baka minsanan na lang kami magkita.

Tsk! Kung bakit ba naman kasi ako iniwan ni Dad sa bahay ni Mommy edi dapat kaklase ko pa ang apat apwera kay Sky.. Hayst

Dahil napagabi na rin kami ay nagvolunteer silang ihahatid na raw nila ako. Humindi ako dahil kaya ko naman pero ayaw paawat kesyo daw babae pa rin ako at baka may masamang mangyari sa akin ngayon pa raw na bisikleta lang ang gamit ko pauwi.Urgh hate this treats nawawala ang bisa ng pagkalalaki ko.

Nakarating naman agad kami sa bahay at ngayon nasa tapat kami ng gate nakatayo.

"So ito pala ang bahay ng Mommy mo"-Nute

"Sabagay malaki nga kumpara sa dati"-Mac

"Kasama ko kasi ang mga ate ko at mga maids kaya ganiyan kalaki" paliwanag ko n kinatango na lang nila.

"Sa tagal nating magkakilala hindi ko pa nakikita ang mga kapatid mo" si Rhett naman.

"Huwag mo ng subukang kilalanin wala ka ding mapapala sa kanila"

"Parang makita lang ipinagdadamot pa"-Rhett

Buti na lang hindi lumabas o nakuhang sumilip sa bintana ang mga tot baka mapalayas nila itong mga tropa ko.

Nga naman hindi nila aabalahin ang kapatid nila dahil ano nga ba naman ako sa katulad nila?

"Huwag kang mag-alala Rhettoke makikilala mo rin sila lalo na at sikat ang mga iyon sa School" sabi ko habang pinaparada ko ang bisikleta sa tabi ng puno at saka kinadenahan.

"Sige sige"ngiti nito.

Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa at text-text na lang kamo. Pinagmasdan ko pa silang magsialis pero may nanatili na isang natira na ipinagtataka ko.

Papalapit na papalapit ito sa akin kaya kinabahan ako sa presensya niya.

Siguro ganito talaga pag hindi mo gaano nakakausap ang pinakatahimik mong tropa.

"M-may kailangan ka ba Sky?" tanong ko sa kanya na nasa tabi ko na.

Umiling naman siya at ngumiti.

"Wala naman. Gusto ko lang makasigurado na makapasok ka na kaagad sa bahay niyo"

Sinimangutan ko na lamang din siya.

"Tsk pati ba naman ikaw?"

"Oo naman.Kahit sinong kaibigan, tao man iyan o bagay we can't change the fact that you are still the way we see you" ngiti nitong tugon.

Kinilabutan at the same time parang feeling ko special ako sa sinabi niya. Tsk! Malay ko.

Tama tomboy lang siguro ako pero hindi pa rin mababago non na isa pa rin akong babae na may katawang babae but have the heart of a boy.

Ayokong maging makasalanang tao kaya tatanggapin ko kung ano ako. Ayokong baguhin ang anyo ko dahil ito ang binigay at biyaya sa akin.

Dahil naging awkward na atmosphere ang meron kami ay nagpaalam ako at sinigurado kong pumasok na ako ng gate.

"Ha-ha salamat kung ganoon" ngiti kong balik dito.

Tumango na lamang siya at aalis na dapat ako para pumasok ng bahay pero tinawag niya pangalan ko.

"Dane"

Thump Thump

Lintek. Gulat siguro ito.

Chill Daneng chill.

Lumingon ako para harapin siya ulit.

"Bakit?" Kunot-noo ko dito.

At ngumiti na naman ulit siya na hindi ko maintindihan sa sarili ko kung anong meron sa ngiting iyon na nagbibigay kakaiba sa akin.

Masanay ka na lang Daneng.

"Tungkol pala sa kanina..."nakapamulsa nitong sabi habang nakatingin este titig sa akin.

Lintek.

Inantay ko naman ang sasabihin niya.

Thump Thump

"Hayaan mo... sa susunod ako na mismo ang magsasabi sa iyo"


Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon