Kabanata 6

12 1 0
                                    

Siya nga pala Tropang Daneng. Pupunta kami ng School mo ah? 😃😃

Sent by Gwapong Rhett

Gwapo daw kamo ulul. Mas gwapo pa nga ako sa kanya.

Nagtext back naman agad ako.

No probs.

Yan.Good.Buti na lang talaga balita namin kasi diyan daw may pinakamagandang chix.Pakilala mo kami ah 😄😄

Ay tae baliw siya. Tsk akala ko pa naman din namiss nila ako kaya gusto nilang pumunta yun pala chix lang habol ng mga gungong.

Ah ganon. Mas importante pa yung mga chix kesa sa kaibigan. Ge lang pagpatuloy niyo yan

😂 biro lang pareng Dane. Ikaw naman masyado kang badtrip syempre ikaw yung dadalawin namin isusunod lang namin yung mga chix. Hehe

Gagi wag na lang kayong pumunta.Wala talagang pinagbago tong mga kutong lupa kong kaibigan. Kahit ilang year pa ang darating chix pa ring ang mga nasa isipan.

Bahala nga kayo

Nga pala goodnews rin sasama si Sky.

O & K

Isa ka pa ginaganyan mo na ako ah huhu T_T

Pfft di bagay nagmukha lang ewan. Hays bahala na nga muna siya sa buhay niya kailangan niya magpahinga wala sa katinuan e. Baka kung ipagpatuloy ko pa alien na ang kausap ko. Isa pa maaga pa para makipag-usap sa baliw.

Musta naman kaya ang araw ko. A las cuatro y media pa ng umaga bulabog na sa kabilang kwarto ang naririnig ko. Sa pagkakaalam ko galing yun sa kwarto ni Ate Bella e. Teka matingnan nga nabubulabog na rin kasi ang araw ko at isa pa kanina pa yun e baka nagwawala na.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan pumunta ng kabilang kwarto. Pero syempre labas lang, di naman ako pwede pumasok baka mapagalitan ako ni Te Bella.
Linapit ko sa pinto ang tenga ko at sa pagkakarinig mula sa kwarto nito ay mayroon akong naririnig na dalawang nagsasalita. Tsk! Sino naman kaya yun? Di naman siguro si ate Abril mas tulog-mantika yun kesa sa akin. Di rin naman siguro si Ate Caitlyn dahil sa pagkakaalam ko saktong oras 'yun nagigising at 'yun ay bandang 5:00 a.m pa. Mas linapit ko pa ng maigi sa pintuan ang tenga ko at isang lalaki ang naririnig ko na kausap ni Te Bella.

"Adam di nga puwede baka marinig ka ng mga kapatid ko o di kaya ni Manang Gilda"

"Ano ka ba naman Bella.We just met today and you like me for more than 2 years yet you're like this? Oh come on! Pagkakataon mo na toh"

"I know but pag-iisipan ko muna.Hindi ganon kadali magdesisyon ng basta-basta na lang"boses ni ate Bella.

Saan ba tungkol ang pinag-uusapan nila? Sino ba tong kutang lupang Adam na toh? Paano siya nakapasok?? Luh.

"Bella ayan na ang bintana nakabukas para sa atin,ang kailangan mo na lang ay sumama sa akin"woahws may accent yung Adam magsalita. So ganon pala sa bintana siya dumaan.

"Alam mo Adam--Shhh!!! "

Shete Benteshete! Natabig ko ang nakasabit na room decs sa pintuan niya. Makalayas muna!

Bumalik ako ng kwarto at sinarado ito ng dahan-dahan. Sheesh sana di lumabas yun at magtungo dito.

Lumipas ang ilang minuto wala namang pumunta at nagbukas ng kwarto, wala na din yung mga ingay. Hays mapapalagay na din ako. Pumikit na ako ng maisip kong tingnan ang cellphone ko pero shete trentayshete ang bilis 5:10 na! nakakagagi.Agad na akong magtungo ng sariling banyo para maligo. Ganon talaga ayokong maiwanan noh.

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon