Dan's P.O.V.
" Emil, nakita mo ba si Sea? Hinahanap ko kasi siya eh. " tanong ko kay Emil na ngayon ay nag-aayos ng mga gamit sa kitchen area.
" Hindi ko siya nakita, Dan. " sagot niya.
Nasan ka na ba Sea?
Isang linggo na kitang hinanap, di pa rin kita makita. Hindi naman malaking bagay yung pagsugod nito ng mga tauhan ni Ms. Yeon. Naka recover naman ang buong company sa pangyayari.
Dinala ako dun sa hospital dahil sa mga sugat na natamo ko. Na discharge naman ako kaagad. Si Sea ang unang pumasok sa isip ko. Hinanap ko siya, at hanggang ngayon, di ko pa rin siya nakita.
Kahapon, yung puntahan ko ang bahay nya nung isang araw, nakita kong may lumabas na lalaki sa apartment na tinutuluyan niya. Kamukha niya ang lalaki.
Kaya na pag desisyunan kong ngayon ko nalang puntahan ang apartment nya.
Lumabas ako ng restaurant at naglakad patungong apartment ni Sea.
Pero bago pa ako makarating sa kanila, nakita ko si Anne.
" Anne, nakita mo ba si Sea? Isang linggo ko na siyang hindi nakita eh. " tanong ko.
" A-ah Dan.. Ano-.. A-ah h-hindi ko siya n-nakita e-eh.. hehe. "
Weird.
" Sigurado ka ba? Baka may sinabi siya sayo? O baka may alam kang lugar na pwede nyang puntahan? "
" W-wala talaga.. S-sige mauna na a-ako.. " sabi niya sabay takbo.
Hayy, mukhang wala na talaga akong pag-asang makita ka pa Sea.
Patungo na ako sa apartment niya.
Ilang beses ko nang kinatok ang pinto pero wala pa ring sumagot.
" Mukhang wala siya dito. " sabi ko at tumalikod.
" Dan.. " napatalon ako sa biglaang pagtawag ng pangalan ko.
Agad akong tumalikod, pero wala akong nakitang tao.
Nababaliw na ata ako. Lalakad na sana ako ulit-
" Dan.. "
Nasisigurado kong kaninong boses yun. Kaso, ako lang ang mag-isa sa hallway ng 3rd floor.
Kaya, nakaramdam ako ng takot.
Tumakbo ako papalabas ng apartment.
Whoooo, kinilabutan ako dun, ah. Haha, nababaliw na talaga ako.
Sumakay na ako sa kotse. Nag d-drive ako ng may biglang humarang sa kotse ko, at muntik ko na siyang mabundol. Naipikit ko ang mata ko, ng dahil sa pagkabigla.
Lumabas ako sa kotse ko at tiningnan ang kung sino man yung nabundol ko.
Muli akong nagulat, ng walang tao ang nasa harapan ng kotse ko. .
Ano bang nangyayari?
Babalik na ako sa kotse ng hindi ko mabuksan ang pinto ng driver's seat.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Other Side of Me
Fantastik" It is not the strongest of the species that survive,nor the most intelligent. But the one that is more responsive to change. "