DIVINA
" Yaya dub di ka pa ba inaantok anong oras na oh " ani ni yaya pak si akin
" Di pa ako inaantok gusto mo mauna ka na sa kwarto susunod ako "
" Ok yaya dub "
Dumirecho na si yaya pak sa kwarto namin at ako naiwan sa may garden para magpahangin.
Medyo nakakapagod ang araw na ito pero sulit naman dahil kay baby baste na ubod ng cute.
Kinuha ko yung phone ko para tawagan at kamustahin yung pamilya ko.
" Hello? "
" Divina anak kamusta naman ang unang araw mo diyan "
" On naman po mama Faye si papa victor po? "
" Nasa banyo naliligo gusto mo puntahan ko "
" Wag na po eh si ryzza nasaan po siya mama Faye "
" Tulog na siya anak "
" Ah ok po Pakisabi sa kanila mahal ko po sila "
" Ok Divina "
" S-sige po baba ko na po ito inaantok na po ako love you mama Faye "
" Love you Divina "
Binaba ko na yung phone ko at pumasok na sa loob medyo malamig na kasi.
Isang araw pa lang ako dito miss na miss ko na yung pamilya ko first time ko kasing mawawalay sa kanila pero kahit mahirap kakayanin ko para sa kanila para maiahon sila sa hirap.
Buong buhay kasi nila ginugol nila sa pagtratrabaho para gumana yung buhay namin ni ryzza.
At eto na yung chance para masuklian ko ang mga paghihirap nila sa akin.
Napakabait sa akin ni mama Faye kahit di niya ako tunay na anak.
Sampung taon ako ng namatay yung real mama ko nalungkot nga nun si papa victor pero nagbago ng dumating sa buhay niya si mama Faye bumalik yung dating siya yung masayahin at malakas.
Malaki ang utang na loob ko kay mama Faye dahil sumaya ulit si papa victor.
Kahit hindi ko siya tunay na ina tinuring ko siya na parang tunay na ina very close kami sa isa't isa mas lalong Sumaya di papa victor ng dumating ang kapatid ko na si ryzza.
Super duper close kami ni ryzza kahit half sister lang kami.
Dumirecho na ako sa kwarto namin ni yaya pak kailangan ko ng matulog dahil maaga pa ako gumising bukas