Alden
Fifth monthsary namin ngayon ni Divina at kakatapos lang namin manuod ng sine pauwi na kami ngayon sa bahay nila may hinanda kasing dinner si mama Faye para sa aming dalawa ni divina.
Sa loob ng limang buwan okay naman ang lahat at okay din kami ni divina kahit na minsan may tampuhan pero hindi namin pinapalipas ang gabi na hindi kami nagkakaayos.
" Love happy happy fifth monthsary sa atin "
" Happy fifth monthsary alden biruin mo limang buwan na pala tayong dalawa "
Papasok na sana kami ni Divina sa kotse ng may humarang na isang itim na van bumaba yung tatlong lalaki na naka mask.
" Ikaw ba si Alden Faulkerson yung may ari ng sikat na hotel at apo ni doña barbara na isa sa pinaka mayaman sa pilipinas "
" Ako nga " mariin kong sabi sa lalaki.
" Mabuti pa sumama ka na lang sa amin kung gusto mo pang mabuhay sa mundo "
" Alden natatakot ako "
" Huwag kang matakot "
Kinuha nung isang lalaki si divina at isinakay sa van.
Sumunod naman akong isinakay pero nagkahiwalay kami ng van.
" Teka ano gagawin mo sa amin "
" Basta tumahimik ka na lang diyan kung ayaw mong mamatay "
Itinali nila yung mga kamay ko tapos pinirangan ng panyo yung mga mata wala na akong makita.
Pilit akong pumipiglas kaso hindi ko kaya.
" Tumahimik ka na lang diyan " saad nung lalaki sabay tutok ng baril sa ulo ko.
Wala na akong nagawa kung di ang Tumahimik.
Naramdaman ko na lang na huminto yung van ibinaba na ako ng isa sa mga kidnappers.
" Subukan mong tumakas kung HINDI sasabog yung ulo mo diyan " sabi nung isa sa mga kidnappers sabay tutok sa baril.
" Ano ba kailangan mo sa amin? "
" Ano pa ba eh di pera " mariin niyang sabi.
" Kung pera ang gusto ninyo ibibigay ko huwag nyo lang saktan ang pinakamamahal kong si Divina.
" Aww.... Ang sweet mo naman mr Faulkerson wag ka magalala hindi ko siya sasaktan pero ewan ko na lang sa mga kasama ko "
" Gago ka talaga! " sigaw ko
Tinanggal niya yung piring ko sa mata at may ipinakitang video sa cellphone kita sa video kung paano nila subukang halik halikan si Divina ng mga kasama niya.
" Gago ka talaga! Tama na magkano ba kailangan mo? "
" 10 milyon "
" Okay ibibigay ko sa iyo basta kalagan mo lang ako dito "
" Okay pero once na tumakas ka say good bye to Divina "
Tinanggal niya yung mga tali sa katawan ko kinuha ko yung wallet ko at ibinigay sa kanya yung isang checke worth 10 million.
" Eto na yung kailangan mo "
" Good "
" Pwede bang pakawalan ninyo na kami "
" Eh paano kung ayaw ko nga? "
" ibinigay ko na yung hinihingi mo "
" Kulang pa nga "
" Hayop ka talaga "
Hinampas niya ako ng hawak niyang baril sa ulo kaya nawalan ako ng malay di ko na alam ang sunod na nangyari.
