Chapter 31

3.2K 93 3
                                    

Divina

Nasa kusina ako ng bigla akong buhatin ni señorito Alden yung buhat bagong kasal ba.

" Ano ba ibaba mo ako "

" Tara may pupuntahan tayong dalawa Divina "

" Saan ba tayo pupunta señorito Alden huh?! "

" Basta sumama ka na lang sa akin ok wag ka ng makulit "

" Fine!  " iritang sabi ko.

Sumakay na kami sa kotse buong biyahe hindi ko siya pinapansin.

Naguguluhan ako sa mga actions niya ngayon.

Ilang sandali pa dumating na kami sa isang pamilyar na lugar.

" Nandito na tayo " saad niya.

" Parang alam ko ang lugar na ito "

" Yup nasa lugar ninyo tayo "

" Ang gagawin natin dito? "

" Basta ako bahala "

Nauna na akong bumaba ng kotse tapos pumasok na ako sa loob ng bahay namin nakita ko si mama Faye at papa victor na abala sa panunuod ng tv.

" Mama Faye papa victor "

" Anak nandiyan ka pala " bungad ni papa victor.

" Ano ginagawa mo dito anak may problema ba? " tanong ni mama Faye sa akin.

" Hindi ko po alam basta isinama na lang ako ni señorito Alden at dito niya ako dinala "

Pumasok na si señorito Alden na may dalang wine at bulaklak.

" Hello po mr and mrs Mendoza " bati ni señorito Alden kay mama Faye at papa victor

" Oh hello mr Faulkerson " bati ni mama Faye

" Eto po pala may dala akong bulaklak para po sa'yo mama Faye "

Nagulat ako sa sinabi ni señorito Alden mama Faye talaga eh hindi ko pa nga siya sinasagot.

" Salamat mr Faulkerson "

Kinuha ni mama Faye yung mga bulaklak.

" Eto naman po wine para po sa inyo papa victor "

Kinuha ni papa victor yung wine na hawak ni señorito Alden.

" Tatapatin ko na po kayo gusto ko pong ligawan yung anak ninyo na si Divina " kumpyansang sabi ni señorito Alden.

Nagulat ako si mama Faye at si papa victor sa sinabi ni señorito Alden.

" Liligawan mo anak ko?  "

" opo papa victor "

" Mahal mo ba anak ko?  "

" Yes po papa victor "

" Hindi mo ba siya sasaktan?  "

" Yes po mama Faye hinding hindi ko siya iiwan at sasaktan "

" Mabuti na rin yung nagkakaintindihan tayong dalawa mr Faulkerson " saad ni papa victor.

" So pumapayag na po kayong ligawan ko ang anak ninyo?  "

" Mr Faulkerson pumapayag na kaming ligawan mo ang anak naming si Divina "

Tuwang tuwa si señorito Alden at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit tapos hinalikan sa may kanang kamay ko.

The Maid And The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon