Divina
" Oh anak kamusta na si baby baste ok na ba siya? " bungad ni mama Faye.
" Okay na po siya mama Faye "
" Ano na plano mo ngayon anak? "
" Babalik na po ako bilang yaya ni baby baste "
" Are you sure anak? "
" Mama Faye sure na po ako sa desisyon ko na bumalik bilang yaya ni baby baste napamahal na kasi sa akin yung bata "
" Paano yung amo mo? "
" Mama Faye humingi na po siya ng sorry at sa tingin ko bukal naman sa puso niya ang paghingi ng tawad "
" Kumain ka na ba anak may itinabi akong adobo at tilapia diyan sa may mesa "
" Busog na po ako mama faye dahil kumain na po ako sa hospital "
" Okay anak "
" Mama Faye mauuna na po ako sa kwarto ko may gagawin pa po ako "
" Okay anak "
Umakyat na ako sa kwarto at iniisa isang binalik yung mga damit ko sa maleta dahil bukas babalik na ako bilang yaya ni baby baste.
Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari kanina sa hospital akala ko hahalikan na ako ni señorito Alden.
" Sh*t! Bakit ko ba iniisip yun " bulalas ko.
Natapos na ako sa ginagawa ko humiga na ako sa kama ko kaso kahit pilit kong ipikit yung mga mata ko hindi mawala wala sa isip ko yung gwapo at maamong mukha ni Señorito Alden mukhang may crush na yata ako sa kanya.