Chapter 2

26K 685 10
                                    


LAKAD upo ang ginagawa ni Rain habang nag-iisip ito kung pano magpapaalam sa kanyang ama't ina na bubukod na siya ng bahay. Hindi pa nito kasi nasabi sa magulang na nagpatayo siya ng villa sa pag-aari nilang magkakaibigan na subdivision.

"Son, may problema ba?" Boses ng kanyang ama na nagpatigil sa kanya sa paglakad upo. "Ah! Dad, ano kasi." Anito.

"What?"

"May nabuntis ka Easthon Rain?" Biglang tanong ng kanyang ina na galing kusina.

"Jesus! Mom, where did you get that idea?" Gulat nitong tanong sa ina.

"Wala, naitanong ko lang. Malay ko ba, baka nga may nabuntis kana pero hindi mo lang sinasabi." Anang kanyang ina na kinakamot ni Rain ng ulo.

"Hays! Mom it's not like that. Gusto ko kayo makausap ni Daddy. Dahil may sasabihin ako sa inyo. And please Mom, tanggalin mo sa isip mong may nabuntis ako dahil kung may mabuntis man ako ay tiyak makikilala niyo muna siya. But right now, wala pa akong babaeng handang buntisin na handa kung iharap sa altar." Anito sa magulang.

"Okay! So, kung wala kang nabuntis e ano ang gusto mong sabihin samin." Anang kanyang ina na agad naupo sa tabi ng asawa.

"Gusto ko na pong bumukod ng bahay." Sagot nitong kinakunot ng magulang ng noo. "Son, are you sure about that?" Paniniguro ng kanyang ama.

"Yes! Dad." Anito sa ama.

"At saan ka naman bibili ng bahay?" Mataray na tanong ng kanyang ina. Hindi kasi ito makapaniwala na naisipan ng kanilang panganay na bumukod na ng bahay.

"Mom, hindi po ako bibili ng bahay. Nagpatayo po ako ng sarili kung bahay. Me and my friends decide to build a subdivision. Kaya ang bawat clan po namin ay may sariling gawang bahay." Anito.

"Ipapakita ko po sa inyo ang bahay sa birthday ni AD. Yun po kasi ang napagkasunduan naming araw parang house blessing po ang mangyayari at sa gabi naman ang gagawing surprise birthday para kay AD. Ang lupa po kasing pinatayuan namin ng mga villa ay pangregalo sana ni Yugene kay AD." Paliwanag nito at napatango naman ang mag-asawa.

"Eh! Kung yan ang gusto mo anak ay hindi kita pipigilan. Nasa tamang edad ka naman at I know kaya mo na ang sarili mo." Anang kanyang ama. "Thank you, Dad." Saad nito sa ama.

"Mag-ama nga kayo." Ang iiling-iling na anang kanyang ina. "Kung bubukod kana ng bahay ay sana naman wag mong kalimutang may bahay ka rin dito." Anang kanyang ina na pinipigilan ang sarili na wag maging emosyonal.

"Of course, Mom. Kung mamiss ko kayo ay uuwi rin naman ako dito. At isa pa malapit lang po yung subdivision na ipinagawa namin." Anito sa kanyang ina.

"Siya nga pala, anak. May ipinapagawa sa'kin ang lolo mo. Pero busy ako sa appointments e at meron pa akong business trip sa Singapore at Dubai. Kaya kung pwede ay ikaw na ang gumawa." Anang kanyang ama na ipinagtaka niya kung anong trabaho naman itong ipapagawa sa kanya.

"Anong ipinag-uutos ni lolo, Dad?" Tanong nito.

"Ipinapaasikaso niya ang hacienda. Alam mo namang hirap na magbyahe ang lolo mo. Kaya kung maari anak ay ikaw na ang pumunta sa hacienda at alamin kung ano ang kailangan doon sa mga pananim. Lalo na ang maggahan. Hindi rin kasi makakapunta ang tito mo, busy rin siya. Kaya pwede ikaw na lang." May tunong pakiusap sa kanya ng ama.

"Sige, Dad. After ng birthday ni AD ay pupunta ako sa hacienda kung okay lang. I mean kung mahihintay yun ni lolo. Dahil meron din akong kailangan tapusin sa opisina bago ko pweding ewanan ito?" Anito sa kanyang ama.

"Sige. Sige, ikaw ang bahala. Sasabihin ko na lang sa lolo mo." Anang ginoo. "Ang bilis ng araw at birthday na pala ni AD." Naisatinig ng ina ni Rain. Parang kahapon lang kasi ng muntikan na itong mamatay.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon