Chapter 7

23.5K 691 7
                                    

MATAPOS kumain nila Rain at Raids ay agad silang umuwi sa bahay ng binata. Namangha naman ang dalaga ng makita niya ang bahay ng binata. Halos kasing laki rin ito ng bahay ng lolo ni Rain sa probinsya kung saan sila nakatira.

"Sino ang kasama mo dito?" Curious nitong tanong sa binata. "Ikaw." Mabilis nitong sagot sabay yakap niya dito mula sa likod ni Raids.

"You mean, wala kang kasamang nakatira dito kundi ako pa lang?" Paniniguro nito.

"Yes! baby, ikaw pa lang. Acctually, bago pa lang ako lumipat dito dahil bagong gawa pa lang ito maging ang mga bahay sa loob nitong subdivision. Kaya hindi pa kumpleto ang mga gamit dito maging ang gamit sa kusina ay wala pa." Ang kakamot-kamot nito sa ulo na saad kay Raids.

"Marami ka namang pera, kaya bibili na lang tayo ng mga gamit na kulang dito sa bahay mo." Anitong nakangiti.

"Sure baby, bibili tayo pero not now. I'm tired, kaya pwedi bang matulog muna tayo para makapagpahinga." Malambing nitong aniya kay Raids na agad ikinawit ang dalawang kamay sa batok ni Rain.

"Okey! At bukas nga pala ay kailangan kung puntahan yung pag-aapplyan ko ng work." Saad nito kay Rain.

"Sure baby, ihahatid kita doon. Ibigay mo lang sa akin ang address." Anito sabay buhat niya kay Raids at pumanhik siyang buhat-buhat ang dalaga patungong ikalawang palapag kung saan ang kwarto niya.

"Open the door, baby." Utos nito kay Raids ng marating nila ang kwarto ni Rain. Agad namang tumalima ang dalaga at pinihit niya ang seradura ng pinto kaya bumukas iyon. Automatic namang bumukas ang ilaw ng kwarto ni Rain ng bumukas ang pinto.

"Wow! Parang hotel lang na automatic na bubukas ang ilaw." Manghang naisatinig ni Raids.

"It's Tyrone idea. Siya ang nagplano ng style ng mga bahay dito sa loob ng subdivision." Paliwanag nito at maingat na inilapag niya sa kama si Raids at agad din siyang tumabi dito.

Napansin din ni Raids ang pagud sa mukha ni Rain. Alam niyang dahil ito sa pagbyahe nila mula probinsya hanggang makarating sila dito sa lungsod.

"Hubby, gusto mong imasahe ko ang katawan mo?" Malambing nitong aniya kay Rain.

"Hubby, I like that. Sounds good." Ang napangiting ani Rain.

"Tst! yun lang ang narinig. Dumapa ka nga at imamasahe ko ang katawan mo." Utos niya kay Rain at sumunod naman itong nakangiti ng kaylapad.

Nakahiga ng padapa sa kama si Rain ng sumakay sa likod niya si Raids at inumpisahan nitong imasahe ang likod ng binata. At sa bawat madaanan ng kamay ni Raids ay nagpapagaan ng pakiramdam ni Rain. Kaya ipinikit nito ang mga mata hanggang tangayin siya ng antok.

Makalipas ang ilang minutong pagmasahe ni Raids sa katawan ni Rain ng makaramdam din siya ng pagud. Kaya pabagsak siya sa katawan ni Rain. Maya't maya ay umalis siya sa likod ng binata at nahiga siya sa tabi nito. Tila naramdaman naman ni Rain ang pagtabi sa kanya ni Raids mahiga. Kaya umayos siya ng higa at pinaunan niya sa kanyang braso si Raids. Kinintalan niya ng halik sa noo ang dalaga bago niya muling ipinikit ang kanyang mga mata. Ipinulupot naman ni Raids ang isa niyang kamay sa tiyan ng binata hanggang ss hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Hapon na ng magising si Rain at agad siyang napangiti ng makita niya ang dalagang natutulog sa tabi niya. Bahagya niya itong kinintalan ng halik sa noo at maingat na tinanggal ang kamay ni Raids na nakapulupot sa tiyan niya bago niya inalis ang isa niyang braso kung saan nakaunan ang dalaga.

Dahan-dahan na bumangon sa kama si Rain at lumabas ng silid. Agad itong bumaba sa unang palapag ng bahay niya at kinuha niya ang mga gamit nila at dinala niya sa kanyang kwarto. Matapus niyang makuha ang lahat ng gamit nila ay agad siyang pumasok sa banyo at naligo.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon