LUMIPAS ang buwan na magkasama sa iisang bubung sina Rain at Raids. Kung titingnan mo ang dalawa ay para na ang mga itong mag-asawa. Hindi pa naman nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal nila. Ngunit hindi naman nila minamadali ang lahat ng bagay. At ang nangyaring sunog na kagagawan ng mga taohan ni Mayor Roxas sa hacienda nila Rain ay ipinagkatiwala na niya iyon kay Jeb. Tutal e ayaw naman ng kaibigan niyang isipin pa niya iyon.
Nagtake din ng panibagong curse si Raids sa college. Wala naman siyang ginagawa tuwing nasa opisina si Rain. Dahil hindi siya pinayagan ni Rain na maging secretary niya o maging PA man lang. Ayaw daw kasi siyang mapagud ni Rain sa pagtratrabaho.
At after ng one week vacation ng secretary ni Rain na si Ford ay muli itong pinabalik ng binata para maging secretary niyang muli. Kaya kampante si Raids na hindi gagapangin ng secretary niya si Rain kapag nasa opisina ito.
"Hubby." Malambing na tawag ni Raids sa nobyo. "Yes! Baby?" Agad na ibinaba ni Rain ang ginagawa niyang trabaho at binalingan niya ang nobya.
"Uhm! di ba love mo ako?" Anitong kinakunot ng gwapong mukha ng binata. "Yes! Baby, I love you so much." Sagot nito sa nobya.
"Kung ganun pwede ba akong magpasuyo sayo?" Kagat labi nitong aniya sa binata.
"Yeah! sure baby, basta kaya ko ba." Anitong nahihiwagaan kay Raids. Ang alam niya kapag ganito makipag-usap ang nobya niya ay may kalukuhan na naman itong gagawin.
"Yehey! Thank you hubby," anito sabay palakpak. "Uhm! yung gusto kung ipasuyo sayo ay kung pwede bang ibili mo ako ng santol." Saad nito kay Rain na agad naman tumayo mula sa pagkakaupo para ibili siya nito ng santol.
"At wag mong kalimutan na ang gusto kung santol ay iyong walang buto." Kay lapad ng pagkakangiti nitong kinalaglag nang panga ng binata.
Santol na walang buto.
Saan naman niya hahanapin ang santol na walang buto?
Agad naman nakita ni Raids ang naging reaction ng nobyo. Kaya bigla siyang umiyak.
"Oh! shet. Why your crying baby?" May pag-aalalang tanong ni Rain sa dalaga.
"Hindi mo ako love. I hate you. Ayaw kung makita yang pagmumukha mo hanggat hindi mo ako naibibili ng santol na gusto ko." Sigaw nito kay Rain sabay takbo nito patungo sa kwarto nila at inilock niya ang pinto.
Iiling-iling namang nasapo ni Rain ang mukha niya. At dahil ayaw niyang nagtatampo sa kanya ang nobya ay agad siyang lumabas ng bahay niya para maghanap ng santol na walang buto.
"What happen Castillo?" Boses ni Tyrone na nagpahinto kay Rain sa pagpasok sa kotse niya.
"Si Raids, tinutupak na naman. Gusto niyang ibili ko siya ng santol na walang buto." Anito sabay hinga ng malalim.
"Patay na bai," ani Tyrone na nakangisi sa kanya. "Mukhang nakabuo kana Castillo." Saad pa nito sa mapanuksong salita. Kaya halos mag-isang linya ang dalawang kilay ni Rain sa tinuran ni Tyrone sa kanya.
"You mean.....oh! My God." Ani Rain na agad lumapad ang pagkakangiti na parang hindi alam ang gagawin.
"Goodluck bro." Ani Tyrone na natatawa sa kanya sabay talikod nito. Kaya dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan niya si Rain at pinaharurot iyon.
Halos ilang oras na naghahanap si Rain ng santol na walang buto. Kaso wala siyang mahanap. Kaya laglag ang mga balikat niyang bumili na lang ng santol na meron.
Pag-uwi niya ay agad niyang binitbit ang nabiling santol. Laglag ang balikat niyang pumasok sa loob ng bahay at agad nitong inabutan ang nobya na nanonood ng TV.
BINABASA MO ANG
Just The Way You Are(Completed)
Romance"You can turn me on even you don't do anything." Easthon Rain Castillo(GSB-8) @Wild_Amber