MATAPOS masiguro ni Rain ang lahat ng dapat niyang ayusin sa kanyang opisina ay saka nito inihanda ang dapat niyang dalhin sa pagpunta ng hacienda ng lolo niya.
"Kumusta na kaya siya?" Bigla nitong naitanong sa sarili sabay ngiti ng maalala ang isang tao sa hacienda ng lolo niya. Ilang taon na ba siyang hindi nakapunta sa hacienda ng lolo niya? Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling bumisita doon.
Matapus niyang mag-impake ng mga damit at gamit na dadalhin niya ay agad niyang dinala ang mga ito sa kanyang kotse. Nagpasya siyang madaling araw siya bibyahe upang iwas traffic siya sa syudad. Alam kasi niyang kung sa araw siya aalis ng Maynila ay aabutin siya ng gabi bago makarating sa hacienda ng lolo niya.
"Ford, alam muna ang gagawin mo habang wala ako?" Tanong nito sa kanyang secretary ng sagotin nito ang tawag niya. Tinawagan kasi niya ito ng maremind ulit sa mga dapat niyang gawin habang wala siya sa kanyang opisina.
"Yes! Sir, wag po kayong mag-alala dahil ako na po ang bahala." Anang kausap niya. "Good." Sagot niya dito bago niya pinatay ang tawagan.
Maagang nagpahinga si Rain at ini-on din nito ang alarm clock niya gamit ang phone upang magising siya kung sakaling madaling araw na.
TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Rain. Papungas-pungas itong nagmulat ng mga mata at agad bumangon sa kama at pumasok sa loob ng banyo. Agad siyang nagshower ng makapasok siya sa loob ng banyo.
Matapus maligo ni Rain ay agad siyang nagbihis. Pagkatapus magbihis ni Rain ay agad niyang kinuha ang mga iba pa niyang gamit na dadalhin at isinuot nito ang jacket niya bago siya lumabas ng silid niya. Inilock nito ang malaking pinto ng bahay niya ng makalabas siya bago niya tinungo ang kotse niya.
Agad pumasok si Rain sa loob ng kotse niya ng makalapit ito sa kanyang sasakyan. Gamit ang remote control ay bumukas ang gate ng bahay ni Rain habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan. Agad nitong inistart ang kotse niya at agad pinausad ng takbo. Pinindot lang nito muli ang hawak niyang remote control at muling sumara ang gate ng bahay niya.
Habang nasa daan siya palabas ng kamaynilaan ay palinga-linga siya ng maari niyang mabilhan ng kape at iininumin niya sa daan habang nagmamaneho patungo sa hacienda nila. Hindi naman siya nabigo at may nakita siya kaya agad niyang itinabi at huminto ng pagmamaneho bago siya lumabas ng sasakyan at nagpasyang bumili ng kape. Matapus niyang makabili ng kape ay muli siyang bumalik sa loob ng kotse niya at muli itong inistart at pinaharurut.
Magtatanghali na ng pumasok ang sasakyan ni Rain sa bayan kung saan makikita ang hacienda nila. At nakita nito ang laki ng ipinagbago ng lugar. At habang nagmamaneho siya ay bigla nitong nadaanan ang tila nagkakagulong mga tao. Kaya binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Hoy! ang yayabang niyo. Kilaki-laki ng mga katawan niyo ay ang babatugan niyo naman. Pagkatapos ay ang lakas ng loob ninyong magsabing manliligaw kayo. Magdildil muna kayo ng asin bago niyo sabihin yan sa'kin." Nanggagalaiting anang babae sa mga kalalakihang naghayag ng kanilang pagkagusto dito.
Napangiti naman si Rain sa tinuran ng babae habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan at nakababa ang bintana ng kotse niya. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan Mister?" Anito kay Rain ng makita niya ang binatang nakangiti. Agad naman itong napakamot ng batok.
"Bakit, masama ba ang ngumiti? May nakita kasi akong diwata na ubod ng tapang." Ani Rain na mas lalong kinaasim ng mukha ng babae.
"Tst! isa pang praning, uso na ba ang may saltik sa tuktuk ng kukute?" Tanong ni Raids sa sarili na halos siya lang ang nakakarinig.
At dahil nainis lalo si Raids ay agad itong naglakad palayo sa mga kausap niya. Nagsusuot lang siya sa ilalim ng mga puno ng mangga.
"Whoaaaa! She's pretty cool." Naisatinig ni Rain habang nakatanaw sa likod ng babaeng naglakad patungo sa puno ng mga mangga.
BINABASA MO ANG
Just The Way You Are(Completed)
Romance"You can turn me on even you don't do anything." Easthon Rain Castillo(GSB-8) @Wild_Amber