Chapter 6

23.4K 748 17
                                    

SUMAPIT ang araw na kailangan nang bumalik ni Rain ng Maynila. At gaya ng napag-usapan nila ay kasama nito si Raids. Habang nilalagay ni Rain ang mga gamit nila sa sasakyan ay nakapaskel ang tuwa sa kanyang mukha. Naiisip kasi niya ang maaring mangyari at kung ano ang naghihintay sa kanila ng dalaga pagdating nila ng Maynila.

"Wala na ba kayong naiwang mga importanteng gamit niyo?" Tanong ng ina ni Raids sa dalawa.

"Wala na po Inay." Sagot nito sa ina. "Mag-iingat po kayo dito ni Itay, Inay. Wag po kayo masyadong magpapagud sa trabaho ha." Habilin nito sa ama't ina.

"Ikaw talagang bata ka. Wag mo kaming isipin dito dahil ayus lang kami. Ang sarili mo ang isipin mo. At ayaw kung makikipag-away ka doon. Dahil kilala kita Raids, isipin mo wala kana sa Probinsya." Habilin din sa kanya ng kanyang ina.

"Nay, wag po kayong mag-alala dahil ako na po ang bahala kay Raids pagdating namin ng Manila." Sabat ni Rain sa usapan ng mag-ina.

"Oh! siya, lumakad na kayo. Mag-ingat kayo sa byahe." Anang ginang. Kaya agad ipinagbukas ni Rain ng pinto ng sasakyan ang dalaga na agad naman pumasok sa loob ng sasakyan. Agad din gumawi sa driver seat ang binata matapus makapasok sa loob ng sasakyan si Raids. Bahagyang nagbusina si Rain ng start niya ang sasakyan bago niya ito pinausad ng may kabagalan hanggang makalabas sila ng hacienda.

Ng makalabas sila ng hacienda ay agad isinandal ni Raids ang likod niya sa upuan ng sasakyan at humarap siya sa binatang seryosong nagmamaneho.

"What?"

Tanong sa kanya ni Rain na nakatuon parin ang kanyang mga mata sa daan.

"Nothing. Gusto lang kitang tingnan." Sagot nito sa binata.

"I know I'm handsome enough." Pilyo nitong saad sa dalaga na natawa. Dahil ang lakas talaga ng loob nitong ipagsigawang gwapo siya. Pero totoo naman talagang gwapo ito. Sarap lang niyang asarin.

"Ang lakas mo makabuhat ng mesa at upoan." Ang paismid na anito kay Rain.

"Your so mean, baby. Lagi mo na lang ako binabara. Ganun na ba talaga ako kapangit para sayo?" Hinampo nitong tanong kay Raids na natawa ng lihim. Kaya mabilis siyang umusod sa kinauupoan niya at mabilis niyang hinalikan sa pisngi si Rain.

"Binibiro lang kita." Anitong nakangiti. Natahimik naman si Rain dahil sa inasta ng dalaga. "Your handsome." Kaya wag kana magbuhat ng mesa at upoan dahil lumalakas lang ang ipo-ipo sa paligid." Dagdag nitong kinangiti ni Rain ng mahimasmasan ng halikan siya ni Raids. Unang beses kasi itong hinalikan siya ng dalaga kahit sa pisngi lang ay nakakagulat parin. Siya kasi ang laging humahalik dito. Pakiramdam kasi niya ay hindi nakakasawa ang labi ng dalaga kung halikan. Lagi itong nakakatakam.

Lumipas ang oras habang nasa byahe sila ay hindi namalayan ni Raids na hinila siya ng antok. Kaya ng lingonin ito ni Rain ay napangiti siya ng makita niyang payapang natutulog ang kasama niya. Hinayaan nitong matulog si Raids hanggang makalabas sila ng Probinsya at tinatahak na nila ang daan sa kamaynilaan.

Ilang oras din ang ibinyahe nila ngunit nanatiling tulog si Raids. Wala itong kamalay-malay na nasa Maynila na sila. Ngunit hindi muna ito ginising ni Rain at hinayaan lang niya itong matulog. At agad niyang tinahak ang daan patungo sa restaurant ng kaibigan nilang si Mark. Naisip kasi nitong makakabuting doon muna sila tumuloy sa halip na sa kanyang bahay. Dahil walang nalutong pagkain ang aabutan nila doon.

"Baby, wake up." Mahinang tinapik ni Rain ang pisngi ni Raids ng maipark niya ang sasakyan sa labas ng restaurant ni Mark.

"Nasaan tayo?" Papungas-pungas nitong tanong kay Rain.

"Nandito na tayo sa Manila." Sagot nito. Kaya agad iginala ni Raids ang kanyang mga mata sa paligid. Ngunit biglang napakunot ang maganda niyang mukha ng mapansing nasa labas sila ng isang mamahaling restaurant.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon