Chapter 4

23.8K 724 12
                                    

KINABUKASAN ay halos hindi maipinta ang mukha ni Raids ng utusan siya ng magulang na samahan si Rain sa pagpunta ng taniman ng mga mangga. Kung pwede lang niya siguro ito takbuhan ay ginawa na niya. Samantalang si Rain ay nakapaskel sa mukha nito ang saya.

"Baka pweding sumakay tayo gamit ang kabayo. Masakit ang paa ko e." Ani Rain. Napailing naman si Raids sa tinuran ng binata.

"Okay!"

Tipid ditong sagot ni Raids at iginawi ito kung saan ang mga kabayo.

"Pwede bang isang kabayo lang ang gamitin natin. Promise ang sakit talaga ng paa ko." Ani Rain na pinatamlay niya ang boses.

"Kung masakit yang paa mo e but hindi mo ipinagpahinga na lang sa bahay." Sita dito ni Raids na naiiling.

"Uhm! Okay! Mabuti pa nga sa bahay na lang ako." Sagot dito ni Rain na kinatirik ng mata ni Raids. Gustong gusto na talaga niya itong kutusan.

"Tst! Mang Danny, pakihanda nga po ang kabayo." Ani Raids.

"Si Jaguar?" Tanong nito kay Raids. Tumango naman si Raids bilang sagot. Kaya agad inilabas ng lalaki ang kabayo.

"Hoy! Unggoy, bumalik ka dito." Tawag ni Raids kay Rain. Napalingon naman ito at nakita niya si Raids na nagbabanta ang mga mata. Kaya napakamot siya ng batok.

"Sa gwapo kung ito, tatawagin mong unggoy. Baby, saan ang hustisya doon?" Nakasimangot nitong turan kay Raids.

"Ang lakas ng ipo-ipo dito." Pasaring naman dito ni Raids na naunang sumampa sa kabayo. "Oh! Ano, sasakay ka o maglalakad?" Tanong nito kay Rain na napailing. Maingat na sumampa sa kabayo si Rain sabay pulupot nito ng dalawang kamay sa tiyan ng dalaga. Nakaramdam naman ng pagkailang si Raids ng ipulupot ni Rain ang dalawang kamay sa kanyang baywang at sabayan pa ng tumama sa batok niya ang mainit na hininga ng binata ay pakiramdam tuloy niya ay nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan.

"Saan mo gustong pumunta?" Pag-iiba ni Raids ng usapan upang kalmahin ang sarili.

"I don't know?" Sagot naman dito ni Rain. Parang gusto ng samyuin ni Rain ang dalaga na ngayon ay langhap na langhap niya ang bango nito. Ngunit pinigil niya ang sarili dahil may mga matang nakatingin sa kanila.

"Hays! Magpapasama ka e hindi mo naman pala alam kung saan ka pupunta. Akala ko ba sa manggahan ka pupunta?" Naiinis ditong ani Raids.

"Look, sa tagal kung hindi nakapunta dito ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya kasama kita dahil alam mo ang pasikot-sikot sa loob ng hacienda." Paliwanag nito kay Raids na kinailing ng dalaga.

"Yaahhhh...."

Naiiling namang pinalakad ni Raids si Jaguar. At marahan namang tumalima ang kabayo.

"I know your mad with me. Pero hindi mo naman siguro ako ihuhulog dito sa kabayo, I'm right?" Ani Rain na ipinatong ang mukha niya sa balikat ni Raids.

"Kapag hindi mo tinanggal yang mukha mo sa balikat ko ay talagang ihuhulog kita dito." May tunong pagbabanta nito sa binata na agad namang tinanggal ang mukha sa balikat ni Raids.

"Hays! Ang sungit talaga." Anito.

"Anong sabi mo?" Tanong dito ni Raids.

"Wala, sabi ko ang ganda mo, ng panahon." Anitong kinaismid ni Raids.

"Tst! sasabihing ang ganda mo, pero dinugtungan pa ng panahon. Ang galing mo magpalusot Rain. Bilib na ako sayong impakto ka." Kausap nito ang isip.

"Marami bang chicks dito sa hacienda?" Pag-iiba ni Rain ng usapan nila.

"Bakit, inaatake ka ng pagkababaero mo? Sabihin mo lang at dalhin kita kung saan pwedi kang magpalipas ng tawag ng laman. May grupo ng kababaihan dito, pwedi kang pumili. Byuda, hiwalay sa asawa at meron din single. Yun nga lang three times lampas kalendaryo na ang mga edad." Ani Raids na kinaubo ni Rain ng wala sa oras.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon