Chapter 8

22K 697 22
                                    

KINABUKASAN ay maagang gumising si Raids dahil ayaw niyang malate sa papasukan niyang kumpanya. Gusto nitong maaga siyang makarating doon. Kaya magaa siyang naligo at nagbihis.

"Rain, papasok ka ba sa work?" Tanong ni Raids kay Mark habang pababa sila ng hagdan.

"Yes! baby. Dahil may kailangan akong asikasuhin ngayong araw." Sagot nito at tamang-tama namang pagkababa nila mula sa ikalawang palapag ng bahay ni Rain ay siya namang pagtunog ng doorbell. Nagtaka namang binalingan ni Raids ang binatang kasama.

"Stay here, baby. Titingnan ko lang." Anito. Nagkibit balikat naman si Raids na naupo sa couch habang nakatingin siya sa pintong nilabasan ni Rain. Hindi rin naman ito nagtagal ng makabalik na meron bitbit. Hindi alam ni Raids kung ano ang laman ng bitbit niyang plastic bag.

"Baby, let's eat breakfast bago kita ihahatid sa pupuntahan mo." Ani Rain. Kaya naman agad na tumayo si Raids at sumunod sa binatang pumasok sa kusina.

Inilapag ni Rain ang mga pagkaing ipinadeliver niya para sa breakfast nila ni Raids sa mesa. Nagtataka naman ang dalaga kung pano nakaorder ng pagkain si Rain e hindi naman niya narinig itong nag-order kanina.

"Saan ka umorder ng mga 'to?" Curious nitong tanong kay Rain.

"Sinabi ko kay Mark na magpadala siya ng pagkain dito ngayong umaga." Sagot nito na agad nilagyan ng pagkain ang plato ni Raids.

"Wow! Mabuti at mabait ang kaibigan mo. Nagpadala na nga ng pagkain ay may kasama pang plato, baso at kutsara't tinidor." Anitong natatawa.

"Nhaaaaa! Maniningil din yun ng utang katagalan. Iniipon lang nun ang utang sa kanya, pati yang glasses, plates, spoons and forks ay kasama yan sa utang." Saad nitong kinalaki ng mata ng dalaga.

"Kung ganun pala ay mabuti pang magkaroon na ng gamit dito sa kusina ng hindi yung pati itong mga plato at baso ay magiging utang mo pa." Anitong inumpisahan kainin ang nilagay ni Rain sa plato niyang pagkain.

Matapus nilang mag-almusal ay bahagya lang silang nagpahinga bago siya hinatid ni Rain sa kumpanyang pag-aapplyan niya. Ang hindi niya alam ay ang naghatid sa kanya ang nagmamay-ari ng naturang kumpanya.

"Baby, tawagan mo agad ako kung uuwi kana ha." Ani Rain.

"Okay! Mag-iingat ka." Habilin nito sa binata. Bahagya siyang huminga ng malalim bago siya tumuloy sa loob ng gusali. At pagdating pa lang niya sa lobby ay may sumalubong na agad sa kanya.

"Excuse me, are you Jamraida Lumayon?" Tanong ng binabaeng lalaki sa tantya ni Raids. "Opo. Ako nga po." Sagot nito.

"I'm Ford. Dito tayo at nasa 16th floor ang opisina ng magiging boss mo." Ani Ford.

"You mean, tanggap na ako sa trabaho?" Ang hindi makapaniwala nitong tanong.

"Uhm! Parang ganun na nga. Kailangan kasi niya ng secretary agad. Dahil ipapadala niya ako sa ibang branch ng kumpanya ng pamilya nila." Anang kausap niya na kinatango naman ni Raids.

Agad silang pumasok sa lift at pinindot ni Ford ang 16th floor. Ng bumukas ang lift ay agad na lumabas si Ford at nakasunod lang naman sa kanya si Raids.

"Ito ang magiging mesa mo, miss Lumayon. Ang gagawin mo lang ay sagutin ang telephone kung may tatawag dyan. At kung mga babae or not related sa trabaho ang tumatawag ay pwede mong babaan or tarayan. Whatever you want dahil ipinaband ni boss ang mga babae sa kumpanya. Ang landline ay pinapalitan narin niya pero may nakakaalam parin ng number ng landline dito sa opisina niya. Ang ibang trabaho ay siya mismo ang mag-uutos sayo kung ano ang dapat mong gawin." Paliwanag ni Ford sa kanya.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon