Chapter 13

23.1K 655 10
                                    

Rated: SPG

HAPON na nang magising si Rain dahil sa pagud nito ay hindi niya namalayan kung ilang oras siyang natutulog. Pagmulat niya ng mga mata ay ang mukha agad ni Raids ang namulatan niya. Nakangiti itong nakamata sa kanya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad dito ni Raids sabay haplos nito ng mukha ng binata.

"I'm fine baby, nothing to worry." Anitong nakangiti.

"Mabuti naman kung ganun. Siya nga pala, dinalhan ka ng mga kaibigan mo ng damit." Pag-iiba nito ng usapan. Napakunot naman ang gwapong mukha ni Rain sa tinuran ni Raids.

"Sino sa mga kaibigan ko ang nagdala ng mga damit ko dito?" Takang tanong nito.

"Si Kurt Monte Silva, at may kasama siyang lalaki. Nakalimutan ko ang pangalan niya. Yung may kambal pero meron nang anak. Sakay sila ng helecopter dalawa." Pagkwekwento niya dito.

"Ah! Si Axel Vergara ang tinutukoy mo, baby." Anito kay Raids sabay ngiti.

"Ayon, siya nga. At sabi niya ay magpagaling ka daw at wag papatay-patay." Anitong kinailing ni Rain. "Pati si Tyrone ay tumawag rin kanina. Nag-aalala daw sila sayo." Dugtong nito sa sinasabi.

"Oh! worried din pala ang mga gago na yun sa akin." Anitong naiiling.

"Syempre kaibigan ka nila. Kaya mag-aalala talaga sila sayo." Saad nito kay Rain. "Kaya mo ba bumangon at maglakad ng makakain na tayo ng dinner sa baba?" Tanong nito kay Rain. Maingat naman itong bumangon sa kama at tinantya niya ang sarili kung kaya ba niyang maglakad. Ng masiguro niyang kaya naman niyang maglakad ay nakangiti niyang binalingan ang dalaga.

"Yeah! Malakas pa ako sa kalabaw, baby." Anitong nakingisi ng pilyo. "Ewan ko sayo. Oh! ito, isuot mo nga at wag mo ibalandra yang katawan mo." Ang naiiling na ani Raids sabay abot nito ng sando shirt kay Rain. Agad naman yun inabot ng binata at isinuot.

"So, shall we?" Tanong nito kay Raids sabay lahad niya dito ng mga kamay matapus niyang magdamit. Kaya napangiti naman si Raids na tinanggap ang kamay ng binata. Pagdating nila sa baba ay handa na ang hapagkainan at tila sila na lang ang hinihintay ng mga ito.

"Oh! iho, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad ng ina ni Raids kay Rain. "Ayos lang po ako 'nay." Sagot nito sabay ngiti sa ginang.

"Mabuti naman kung ganun. Wag kakasing makinig dito kay Raids at baka ikapahamak mo lang ang ipinaggagawa sayo." Ang iiling-iling na anang ina ni Raids na kinatulis ng nguso niya dahil siya ang anak pero si Rain ang kinakampihan nito.

"Ayos lang po yun 'nay, hindi naman po siguro hahayaan ni God na mamatay agad ako. Magpaparami pa ako ng lahi natin." Anitong natatawa.

"Yan ang gusto ko Rain ang magparami kayo ng lahi natin." Sabat ng ama ni Raids. "Ano yun gagawin akong parang beek na paanakan?" Anito sa isip na kinaasim ng mukha niya. Ngunit mabilis namang pinisil ni Rain ang kamay niyang nasa ilalim ng mesa sabay tingin nito sa mga mata niya. Nagpapahiwatig itong pakisamahan na lang ang tinuran ng mga magulang niya sa kanila. Kaya huminga siya ng malalim sabay ngiti nito at makinig na lang sa kung ano man ang pag-uusapan ng mga ito.

Matapus nilang kumain ng haponan ay bahagya lang silang namalagi sa malaking sala bago sila umakyat ulit sa kwarto ni Raids para magpahinga na rin. Sa terrace agad tumuloy ang dalawa ng marating nila ang kwarto ni Raids. Agad na naupo si Rain sa upoang naroon sabay hila nito sa dalaga kaya napaupo ito sa kandungan niya.

"Baliw ka talaga." Ani Raids dito sabay upo niya ng maayos sa kandungan ni Rain. Umupo siya dito ng paharap sa binata at ipinulupot naman nito ang dalawa niyang mga kamay sa batok ni Rain. Kaya naman agad itong hinapit ni Rain palapit sa katawan niya. Dikit na dikit ang mga katawan nila habang magkahinang ang kanilang mga mata. Unti-unti naman tinawid ni Rain ang pagitan ng mga labi nila. Kaya ng lumapat ang malambot na labi ni Rain sa labi ni Raids ay naipikit na lang nito ang mga mata at ninamnam ang nakakaakit na halik ng binata. Sa bawat galaw ng mga labi nito ay tila iginagaya ka nito sa paraisong kayo lang ang maaring pumaroon.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon