Chapter 14

22.5K 702 15
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Rain at kita nitong mahimbing parin na natutulog ang nobya. Napangiti siyang hinalikan ito sa noo bago siya nagpasyang pumasok sa loob ng banyo para maligo.

Paglabas ni Rain sa loob ng banyo matapus niyang maligo ay tulog parin si Raids. Hinayaan na muna niya itong matulog dahil alam niyang pinagud niya ito kagabi. Dahil hindi lang sila nakaisang round kundi nakailang round sila. Hindi kasi niya alam kung bakit ang daling buhayin ng dalaga ang dugo niya sa katawan. Kaya hindi niya matiis na wag umulit matapus ng mainit nilang pinagsaluhan. Nakangiti niyang kinuha ang mga damit niyang itinabi ni Raids kahapon at agad siyang nagbihis bago siya nagpasyang lumabas ng silid nila. Pagdating niya sa malaking sala ng mansyon ay inabutan niya doon ang ama ni Raids na tila problemado ito. Kaya agad siyang lumapit dito.

"Tay, magandang umaga po. May problema po ba?" Tanong nito sa ginoo na agad napaangat ang mukha. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Iho, ano kasi. May sumunog daw ng mga tanim sa kabilang dulo ng hacienda. Hindi ko alam kung sinadya ba o aksidente lang ang nangyari." Saad ng ginoo sa kanya.

"Wag po kayong mag-alala at ako na po ang bahala. Pasamahan niyo na lang po ako papunta doon at titingnan ko." Presinta nito agad.

"Sigurado ka iho?" Paniniguro pa sa kanya nito. "Opo." Sagot nito sabay tayo.

"Pero iho, hindi ka pa kumakain ng almusal." Anang ina ni Raids na narinig pala ang usapan ng dalawa.

"Pagbalik ko na lang po, 'nay. Tutal tulog pa po si Raids." Anito. Kaya walang nagawa ang ginoo kundi samahan ito sa labas ng mansyon kung nasaan ang sasakyan.

"Danny, pakisamahan mo nga itong si Rain doon sa bahaging nasunog sa dulo ng hacienda." Utos nito kay Mario.

"Sige po." Pagtalima nito at agad binuksan ang sasakyan at binuhay niya ang makena nito. Kaya pumasok na rin sa loob ng sasakyan si Rain.

"Alam niyo po, sigurado ako kung sino ang may gawa ng sunog na yun, boss." Anang kasama ni Rain. Kaya napatingin siya dito. "Sino sa tingin mo?" Nacurious nitong tanong kay Danny.

"Yung tatlong magkakapatid na nakatira malapit dito sa hacienda. Para po kasi silang mga adik na kung anong matrip nila ay ginagawa nila. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila pinapakulong ng Mayor dito. Minsan na nga silang nireklamo dahil meron silang ginahasang menurde edad. Pero ayun hindi umubra ang kaso sa kanila." Ani Danny na seryosong nakatutuk ang mga mata sa daan.

"Siguro kaya sila namimihasa ay dahil hindi pa nila nakakatagpo ang katapat nila para turuan sila ng leksyon." Saad nito kay Danny na agad siyang sinang-ayunan.

Makalipas ang ilang menuto nilang byahe ay agad natanaw ni Rain ang mga trabahante sa loob ng hacienda kung saan ang bahaging nasunog. Agad itinigil ni Danny ang sasakyan bago sila lumabas nito.

"Gano kalawak itong bahaging nasunog?" Tanong ni Rain na kinalingon ng mga ito.

"Ah! Sir, sa tingin po namin ay mga limang iktarya po ang nasunog." Sagot ng isa sa mga ito.

"Nakita niyo ba kung saan banda nagsimula ang sunog?" Muli nitong tanong. "Sa tingin mo pa namin ay doon sa bandang kanluran. Malapit po sa pag-aari ng Mayor dito sa probinsya." Sagot naman ng isa sa mga ito.

"Siguro ang mga taohan ni Mayor ang may gawa ng sunog. Naghahanap kasi sila ng gulo kahit nanahimik ang mga tao dito sa hacienda ng lolo mo sir Rain." Saad ng mga ito sa kanya.

"Wag kayong mag-alala dahil kung mga siraulo ang may gawa nito ay mas siraulo din ang binangga nila." Anitong kinatahimik nilang lahat. Mabilis na kinuha ni Rain ang tawagan niya at pinindot yun.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon