Chapter 10

22.1K 661 12
                                    

PAGDATING nila Raids sa bahay ay kunot noo nitong binalingan si Rain na kampanting hinapit siya sa baywang. Puno ng pagtataka ang mga mata ni Raids ng makita nitong meron tao sa loob ng bahay ni Rain.

"Don't mind them, nagmessage ako sa kapatid kung ipahiram muna sa akin ni Mommy ang mga kasambahay nila. Upang ayusin ang mga gamit sa kusina." Anitong kinatango naman ni Raids. Kaya naman pala ang akala kasi niya ay kung sino na ang mga ito.

"Tulungan na lang natin sila ng matapus agad." Ani Raids sabay tingala niya sa mukha ni Rain. "Baby, wala naman akong alam sa kusina." Mabilis na sagot dito ng binata. Kaya pinaikotan ito ni Raids ng mata.

"Fine, ako na lang tutulong sa kanila. At ikaw ang gawin mo ay maghanap ka ng maitatanim na mga bulaklak dyan sa labas. Hindi yang parang dinaanan ng el niño ang labas ng bahay. Kahit isang punong nakatayo ay wala man lang o kahit bermuda akong nakikita." Anitong iiling-iling. At dahil sa tinuran ni Raids ay napakamot ng batok si Rain.

"Okay! Masusunod po kayo aking kamahalan. Ngayon din po ay aking gagawin ang inyong ipinag-uutos." Anitong natatawa. Muntik na itong masapak ni Raids ngunit mabilis itong nakanakaw ng halik sa dalaga bago ito tumalilis ng takbo na nakangiti. Kaya naiiling na nagtungo sa kusina si Raids kung saan ang mga kasambahay ng ina ni Rain na inaayus nila ang mga gamit na pinamili nila para sa kusina.

"Hi! meron ba akong maitutulong sa inyo dito?" Anitong nakangiti na siyang kinalingon ng mga ito.

"Ay! Ma'am, magpahinga na lang po kayo at kami na po ang bahalang gumawa ng mga ito." Mabilis na saad ng isa kay Raids.

"Tutulongan ko na kayo. Dahil hindi rin ako mapapalagay habang nagtratrabaho kayo dito e ako nagpapahinga lang. At isa pa ng makita ko kung saan niyo inilalagay ang mga gamit ng hindi na ako mahirapang hanapin." Anito sa mga ito.

"Eh! kayo po ang bahala." Pagsuko ng mga ito.

"Alam niyo po, para kayong si ma'am Hilda. Mukhang pareho po kasi kayo ng ugali." Anang sa tingin ni Raids ay ito ang pinakabata sa mga ito.

"Talaga, hindi ko pa kasi siya nakita sa personal. Si tito Rainnier lang ang nakilala ko." Ani Raids sa mga itong nakangiti.

Habang abala sila sa maglalagay ng mga gamit na pinamili nila sa loob ng kusina ay bigla silang nakarinig ng tumikim na kinalingon nila.

"Oh! Mark, napadalaw ka?" Agad ditong tanong ni Raids ng makilala niya ito.

"Nhaaaaa.....napadaan lang ako. By the way, where is Castillo? Tumawag ako sa opisina niya e yung acting-secretary niya lang ang nakausap ko at hindi daw siya pumasok ngayong araw." Ani Mark.

"Naku! Yang kaibigan mong baliw. Nagpanggap na kunwari e hindi siya ang boss sa opisinang pinagdalhan niya sa akin. Ang akala niya e hindi ko agad siya mabebesto. Pero nagkamali siya dahil amoy pa lang niya e alam ko na. Kaya ayun, napunta kami sa pamimili ng gamit sa kusina kanina. At pagdating namin dito ay inutusan ko siyang maghanap ng maitatanim na mga bulaklak sa labas ng magkakulay naman. Hindi yang parang dinaanan ng el niño. Ni isang kulay green e wala." Pagkwekwento ni Raids kay Mark na natawa.

"Mukhang nakahanap ng katapat ang lukong yun. Hindi nga yan napapasunod ng iba." Ani Mark na kinataas ng kilay ni Raids.

"Di nga, mukha niyang yun. Naku! kapag hindi siya nakinig e baka mados por dos ko siya. Masyadong praning na ewan. Nakaka-estress ang kabaliwan niya." Ani Raids na iiling-iling. Dahil sa tuwing naaalala niya ang kapraningan ni Rain ay hindi niya alam kung maiinis ba siya na ewan. Hindi naman kasi niya akalain na sa paglipas ng araw at taon ay magiging ganun ang ugali ni Rain. Hindi naman kasi ganun ang pagkakakilala niya dito.

Just The Way You Are(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon