Im baaaaaaaaack!!
At sa pagbabalik ko nararamdaman ko na kung sino ang magiging third party sa #teamSlaTy
Kayo ba nararamdaman na ninyo?
Votes and comments
C=
*****
"Shhhh sweetheart Im here. Everythings gonna be alright. Tahan na ang sweetheart ko." Pang aalo nito sa kanya. Lalo siyang napaiyak dahil sa mga sinabi nito.
Sweetheart ko
"Nicolo.." Iyak niya dito
Iginaya siya nito papasok muli sa elevetor habang hindi inaalis ang pagkakayakap nito sa kanya. Nagpatinaanod nalang siya dito because he badly need someone to talk with. Kailangan niyang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman niya ngayon and she knew Nicolo will listen to her. He always does.
Nicolo is one of her best friends. He is like a brother for her, a brother that she never had. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya pero ito yung taong kayang kayang sakyan ang kaartehan niya sa katawan, aside of course from her bitches of friends.
Hindi katulad ng kapatid nito he always finds time para sa kanya. Hindi niya kailangang magmakaawa dito para puntahan siya kapag kailangan niya ito, he is just a call away at agad itong dadating para sa kanya.
Unlike Slater, Nicolo is so kalog and he always makes her smile. Magkakabaligtad ang ugali ng dalawang magkapatid kaya hindi magkasundo ang mga ito.
"Let me guess. Is it Slater again and his beast mood?" Tanong nito sa kanya.
Ng huminto ang elevetor sa 22nd floor kung nasaan ang opisina nito ay pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Hinila siya nito papunta sa office nito.
Nakatungo lang siya dahil ayaw niyang makita ng mga ibang empleyado doon ang itsura niya. Yeah she knew she looks like a mess right now. At nasisiguro din niya na namamaga at namumula ang ilong niya dahil sa kanyang pag iyak.His secretary greeted him at ramdam niya ang pagsunod nito ng tingin sa kanila ni Nicolo.
"Ashley please bring me a glass of cold water." Rinig niyang utos ni Nicolo sa sekretarya nito bago sila makarating sa office nito.
She sat in the sofa na nasa office nito at tumabi naman ito sa kanya. Marahan nitong hinawakan ang baba niya at iniangat ang mukha niya para magpantay ang kanilang mga paningin.
"Tell me si Slater na naman di ba?" Muling tanong nito sa kanya.
Ayaw sana niya itong sagutin dahil baka mag away na naman ang mga ito but she knew Nicolo will not let go of this. Ayaw na ayaw kasi nito na nakikita siyang umiiyak. At kahit itanggi pa niya ay obvious naman na si Slater ang dahilan ng pag iyak niya. Ito naman ang laging dahilan kung bakit siya umiiyak eh.
Marahan siyang tumango dito bilang sagot.
Nakita niya ang pag guhit ang inis at galit sa mga mata nito. Kaya mabilis niyang kinuha ang kamay nito ay marahan pinisil sending a message that she is okay.
"What did he do this time?" Inis na tanong nito sa kanya.
Nakarinig sila ng mahinang katok mula sa pintuan nito kaya naman nagpasalamat siya ng lihim kung sino man ang nasa likod ng pintuan na iyon. Ayaw niyang sabihin dito ang dahilan dahil baka lalong magalit ito sa kuya niya.
Ilang saglit pa ay bumukas iyon at pumasok ang sekretarya nitong may dalang malamig na tubig sa isang mataas na baso.
"Sir ito na po ang tubig na hinihingi ninyo." His secretary said habang papalapit ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Husband's Secret
General FictionHow she wish she just died Because the moment she discover her husband's secret It killed her It killed her heart And it killed her soul