Chapter Thirteen

1.3K 53 4
                                    

I cannot Slater. Haba ng buhok mo abot hanggang Palawan. Ikaw na gwapo at yummy.

Enjoy reading

C=

*****

Naalimpungatan siya ng marinig ang sunod sunod na pag tunog ng doorbell. Naiinis na iminulat niya ang kanyang mga mata. Damn dito na pala siya nakatulog sa sofa. Hindi niya alam kung anong oras na siyang nakatulog. The last thing he remember ay nasa may bar counter siya at mag isang umiinom habang iniisip si Tyra.

Tyra!

Naiinis na inihilamos niya ang mukha gamit ang isang kamay.

Masakit ang ulo niya dahil halos maubos niya ang isang bote ng hard drink na nasa mini bar ng kanyang condo, pero , mas lalong sumasakit ang ulo niya dahil sa kakaisip kung papano iiwasan si Tyra para kahit papano ay mawala ang pagmamahal na meron ito para sa kanya.

Is that what you really want? Bulong ng isang bahagi ng isip niya.

He doesn't really know kung iyon talaga ang gusto niyang mangyari, ang iwasan niya si Tyra at mawala ang nararamdaman nito para sa kanya. Because honestly speaking kung may choice lang siya hindi iyon ang gusto niya, pero iyon ang dapat niyang gawin.

"The fuck!" Mariing bulong niya ng muling pindutin ng kung sinong istorbo ang doorbell sa labas ng unit niya. Sunod sunod na ang ginawang pagpindon nito na akala mo e inip na inip na.

Agad siyang tumayo buhat sa pagkakahiga sa sofa para pagbuksan ang kung sino mang tao ang nasa labas. Wala siyang paki alam kung kakagising lang niya at kung ano ang itsura niya ngayon dahil makakasiguro siyang makakatikim ng galit niya ang kung sino mang istorbo ang nasa labas.

Napagbuksan niya ang kanyang amang kunot na kunot na ang noo at nababakas sa mukha nito ang pagkainip dahil sa tagal niyang magbukas.

"Dad." Bati niya dito. Damn kung hindi lang ang ama ang dumating ay paniguradong bubugahan niya ito ng sermon.

"What took you so long young man?" Sitang tanong nito sa kanya.

Nilampasan siya nito para pumasok sa kanyang unit at Prente itong umupo sa sofang kinahihigaan niya kanina.

What does he want now? Its still early. But when he look at the wall clock ay napabuntong hininga nalang siya ng makita it's already ten in the morning. He usually wake up at five thirty pero dahil sa kalasingan ay tinanghali na siya ng gising.

"I was still sleeping." Malamig na sagot niya dito. No need to lie, it's very obvious that he just woke up.

"Oh you got yourself drunk again last night huh." Anito habang nakatingin sa bote ng alak na halos wala ng laman na nakapatong sa center table.

Damn nasabi na ba niya kung gaano ka observant and ama niya?

Well he is. Kahit konting bagay o maliit na bagay ay nakikita at naoobserbahan nito.

And he hate it.

Dahil sa konting pagkakamali lang ay agad itong nakasita sa kanya.

Yes, just like Tyra's Ankong his father is also a control freak. Kaya magkasundong magkasundo ito at ang lolo ni Tyra dahil pareho ang tumatakbo sa utak ng mga ito.

At lalong parehong wais pagdating sa negosyo.

"Yeah just a little drink, pampaantok lang." Aniya at dinampot ang bote ng alak. Dinala niya iyon sa kanyang kusina at idineretso sa trash bin.

Binuksan niya ang refrigerator at tinignan kung ano ang maaling lutuin para sa brunch nila ni Tyra.

Fuck!

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon