Chapter Fourteen

1.4K 60 6
                                    

Pili kaya mga kamaldita

#teamjaketyra o #teamnicolotyra

Wala na kasi sa option ang #teamslatertyra

Ayoko na kay papa Slater.

C=

*****

She Woke up with with too much pain in her head. Agad niyang nahilot ang sobrang sakit na ulo.

This is what she hate after too much drink.

Hang over.

Fuck this.

Wala naman kasi talaga siyang balak na maglasing kagabi. Pero hindi niya maiwasan dahil sa masarap na kwentuhan nila ni Jake Cole. He is such a good guy. A good conversationalist.  A good companion. And a very witty man.

At ang isa pang dahilan ay dahil sa parang sinampal siya sa katotohanang sa isang napakasimpleng tanong ay hindi niya magawang sagutin. She know Jake did not mean on offending her dahil wala naman itong alam sa kanila ni Slater, but she really felt so offended with that simple question. Kung ang mga kaibigan lang niya ay ipagmamalaki pa niya na girlfriend siya ni Slater kahit na alam niya tatawanan lang siya ng mga ito dahil bakit daw "invisible boyfriend" ang pinatulan niya.

Pero aminin man niya o hindi sa sarili ay alam niyang masakit sa loob niya kapag sinasabihan siya ng kanyang mga kaibigan ng ganon. Nasasaktan siya na hindi niya maipagmalaki na girlfriend siya ng isang Engineer Slater Chen. Kasi mismong siya hindi alam kung girlfriend nga ba siya nito. Ni hindi nga niya alam kung ano ang lugar niya sa buhay nito. Kaya sa alak niya idinaan ang sama ng loob.

Hindi na nga niya alam kung nakailang shot siya o bote ng tequila all she know is she is enjoying the night with a good conversation with Jake Cole. Mas lalong hindi na niya namalayan ang pag inom dahil sa sobrang engross ng kwentuhan nila.

Ang huling naalala nalang niya ay tinawagan niya si Nicolo. She just press her number one speed dial para magpasundo kay Nicolo.

As always. Lagi namang ito ang pumupunta sa kanya kapag kailangan niya ito.

How she wish na magawa din sa kanya ni Slater ang puntahan siya sa isang tawag lang niya.

Dream on bitch! He doesn't even accept your call tapos pupuntahan ka pa? Gusto niyang matawa ng pagak sa naisip. Oo nga naman papano siya nito pupuntahan kung ang pagsagot nga sa tawag at text niya ay hindi nito magawa, ang puntahan pa kaya siya?

Imposible.

"Ahhhhhh.." mahinang daing niya ng maramdamang parang binibiyak ang ulo niya dahil sa sobrang sakit nito.

Iminulat niya ang mga mata pero agad ding ipinikit ng masilaw sa liwanag. Damn parang lalong sumakit ang ulo niya dahil sa sobrang liwanag ng kwartong ito.

Nicolo I will kill you for this.

Alam naman nito na ayaw niyang maliwanag ang kwarto pag gising niya, lalo na pag lasing siya, dahil mas lalong sasakit ang ulo niya.

"Nicolo.." paos ang boses na tawag niya sa kaibigan. But she is so damn sure na hindi siya nito maririnig. How did she know? Dahil mismong siya ay hindi marinig ang boses na lumabas sa kanya.

Ayaw man niyang imulat ang mga mata ay napilitan siya. Unti unti ang ginawa niyang pagbubukas sa mga mata para unti unti ding masanay sa liwanag ang mga ito.

Tumambad sa kanya hindi pamilyar na kwarto. Agad siyang napakunot noo ng mag sink in sa kanya na wala siya sa kwarto ng kanya condo at mas lalong wala siya sa kwarto ng condo unit ni Nicolo. Ilang beses na siyang natulog kasama si Nicolo, kapag nalalasing siya o kapag sobrang pagod na siya sa trabaho at tinatamad na siyang umuwi at sinusundo nalang siya nito, kaya naman alam niyang hindi ito kwarto ni Nicolo.

My Husband's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon