A/N: SHORTCUT NA ITUU! Wahehehe. Tinatamads na talaga ako eh. Peace yo! ^___^V
[Twenty Part 2]
Parang may anino ng babae na nakita si Chloe sa may balkonahe ng kaniyang kwarto. Lumapit siya doon at hinawi ang kurtina. Napaatras siya sa nakita. Palapit ng palapit sa kaniya ang babae. Sinubukan niyang lumayo dito ngunit hindi siya makagalaw.
"Krizzel...", banggit ni Chloe sa pangalan ng babae.
"I'm not Krizel, Chloe. It's Clarisse.", pagtatama nito at humakbang palapit sa kaniya. Sumasabay sa hangin ang mahabang kulay tsokolateng buhok nito. "Hindi mo ba ako natatandaan?", muli siyang humakbang papalapit kay Chloe at hinawakan ang kamay nito.
Tinabig ni Chloe ang kamay ni Clarisse. "Huwag mo akong hawakan! Anong sinasabi mong hindi kita natatandaan? Tandang tanda kita! Ikaw ang dating kasintahan ni Crow!"
"Hindi mo nga ako natatandaan. Ipapaalala ko sa'yo kung sino ako." Muling hinawakan ni Clarisse ang kamay ni Chloe.
---
"CHLOE! LUMAYO KA SA KANYA!" Nang pumasok si Crow sa silid ni Chloe, nadatnan niya doon si Clarisse. Nang makalapit sa dalawa ang binata, humarang sa daan niya si Chloe na para bang pinoprotektahan niya si Clarisse.
"My Chloe, what are you doing? Umalis ka jan."
"NO."
Nakita ni Crow na nakangiti si Clarisse sa kanya. Hindi maintindihan ni Crow ang nangyayari.
"She'll gonna kill you. She will take you away from me my Chloe. What are you doing? Why are you protecting her?"
"Because she's my sister.", sagot ni Chloe na ikinagulat ng binata.
"What are you talking about--- What? Don't tell me ikaw ang kambal niya?"
"ALAM MO???", malakas na tanong ni Chloe na nababakasan ng pait at galit. "ALL THIS TIME, ALAM MO NA MAY KAKAMBAL AKO? Totoo nga ang mga nalaman ko."
Humakbang sa tabi ni Chloe ang kaniyang kapatid. Oo, si Clarisse nga ang nawawalang kambal ni Chloe.
"But I just knew that too!"
"Still lie eh? FOR WHAT? PARA MAPAGHIWALAY NIYO ULI KAMING KAMBAL? HINDI NIYO NA MAGAGAWA 'YON! ALAM KO NANG KAYA NIYO KAMI PINAGHIWALAY NOON AY PARA LAMANG SA INYONG KAPAKINABANGAN! PINAPATAY NIYO PA ANG AMING MGA MAGULANG DAHIL LANG SA BUNGA NG ISANG HINDI NARARAPAT NA PAG-IIBIGAN ANG AKING AMA. AT ANG GINAWA LANG NAMAN NG AMING INA AY MAGMAHAL. ANONG KARAPATAN NIYONG SIRAIN ANG PAMILYA KO? HA?", galit na sabi ni Chloe. Naghawak kamay silang dalawang magkapatid. Biglang dumating sa silid sina Glace at ang kanilang ama.
Umiiyak si Chloe habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Magkahawak kamay pa rin silang dalawang magkapatid. Habang si Clarisse naman ay may hindi maipaliwanag na ngiti sa mga labi habang ang kaniyang mga mata ay nagiging pula.
Biglang naging asul ang buwan at napansin ito agad ng mag-aamang Flint.
"Ano ang nangyayari?", tanong ni Crow.
"GLACE, MADALI! SABIHAN ANG LAHAT! PAPARATING NA ANG MGA KALABAN!", utos ng pinuno at madali itong sinunod ni Glace.
"Pero hindi pa ito ang nakatakdang gabi."
"Crow, hindi mo ba nakikita? Walang bisa ang itinakdang gabi. Nagsama ang hindi dapat pagsamahin. Naghawak ng kamay ang magkapatid at hindi dapat iyon nangyari dahil maaaring mangyari ang kinatatakutan ng lahat. Maaaring walang angkan ng mga bampira ang matira!", deklarasyon ng ama na ikipinatingin ni Crow dito.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!", sigaw ng magkapatid at sabay na pinuntirya sina Crow at ang ama nito. Malakas ang naging epekto nito kay Crow ngunit ang kaniyang ama ay nanatiling nakatayo at napigilan ang tira upang ito ay hindi umabot sa kanya. Nagkaroon sila pareho ng hindi maipaliwanag na kapangyarihan. Kulay asul tulad ng buwan ang lumalabas na aura mula sa kanila. Lumapit ang pinuno ng Flint sa anak niya at tinulungan itong tumayo.
Kasunod nito ay ang iba't ibang pagsabog. Dumating na ang mga kalaban kabilang na din dito ang natititra mula sa angkan ng Hexdrost. Nagsimula na nga ang huling labanan ng mga bampira.
Naging sunud-sunod ang ginawang pagtira ng kambal na sina Chloe at Clarisse. Hindi lumalaban si Crow at ganun din naman ang kaniyang ama. Patuloy lang sila sa pag-iwas. Lumalaban ng magkahawak ang kamay ng kambal. Sinubukang tirahin ng ama ni Crow ang kamay nilang magkahawak dahil sa tingin niya ay ito ang pinanggagalingan ng kanilang lakas at kapangyarihan. Napaghiwalay nga niya ang kambal.
"PA!", babala ni Crow. Ayaw niyang masaktan si Chloe.
"PAGKAKATAON NA NATN ITO CROW!", biglang may namuong sandata sa kamay ng pinuno. Ito ang sandatang maaaring makapatay sa Fate. Ang sumunod na pangyayari ay naging dahilan upang lalong magalit si Chloe. Sinaksak ng ama ni Crow si Clarisse at bigla itong naging abo.
"ANONG GINAWA MO?!! AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Nakapaglabas pa rin ng kakaibang kulay asul na lakas si Chloe at nagtangkang susugudin ang pinuno. Ngunit alisto ang pinuno at ito naman ang kasunod na pinuntirya ng sandata. Kung wala na rin namang pag-asang maligtas ang angkan nila, mabuti pang lumaban siya parasa buhay niya maging ang kapalit man nito ay ang buhay ng Fate.
Nagulat pareho si Chloe at ang ama ng mga Flint sa nangyari. Sinalo ni Crow ang tira ng ama niya at ganun din ang kay Chloe. Natigil sila pareho at parehong napaluha. Mas lalong nagalit ang hitsura ni Chloe.
"CROOOOOOOOWWWWWW!!!"
"A-anak, anak hindi ko sinasadya. Bakit mo sinalo?"
"WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!" At kasabay ng pagsigaw na iyon ni Chloe ang malakas na pagsabog. Hindi lang sa buong mansyon kundi pati sa mga lupain na malapit dito.
WOOOOOT! MATUTULOG NA AKO! BAHALA NA ANG EPILOGUE. xD
---
Please check my website if you want to get to know me better and read some more of my stuffs. It's still underconstruction tho. You can just copy-paste this link (hearprinceshere.wordpress.com) or click the external link. Love you all!
BINABASA MO ANG
Vampire Master (Underconstruction)
General FictionSa mga nauna nang magbasa nito dati, THERE ARE SOME PARTS CHANGED po. Yes, it's UNDERCONSTRUCTION. Babaguhin ko din ang title nito soon after all the chapters are done. As for the dedications, I won't remove them.