[Five]
Malinaw na ang lahat ngayon kay Chloe. Her master did all the explanations. Inumpisahan niya mula sa simula – sa una nilang pagkikita – hanggang sa kaniyang ginawa nang siya ay nagising.
Nasa harap sila ng mansion ngayon, nakahiga sa damuhan. Gabi na kaya sobrang presko sa pakiramdam ng bawat damping hangin sa kanilang balat. Napakatahimik ng paligid. Tanging ang mga kuliglig lamang at ang iba pang huni ng hayop sa kakahuyang kanilang kinaroroonan ang maririnig.
"Are you sure you're not mad at me?" tanong ng kaniyang master habang nakatingin sa kalawakan. Inuunan nito ang sariling mga braso.
Chloe tried to examine her deepest feelings regarding all the things that she has heard.
'Wala naman talagang nawala sa akin. Sa simula pa lang, wala na talaga ako ng kahit na ano. Even innocence...'
"No. I don't see any reasons to," sagot niya dito. Tumagilid siya ng higa upang makaharap ang kaniyang master. "Actually, meron pala. Dapat po hindi mo na ginawa 'yun. Sana hinayaan mo na lang ako. Kung nakaligtas ako, edi okay. Kung hindi naman, okay lang din sa akin. Baka nga mas okay pa..."
Sumulyap ng tingin sa kaniya ang kaniyang master at nagulat siya nang bigla itong bumangon. Napaupo din siya at tiningnan niya ito nang may pagtataka. Kung hindi pa pinunasan ng kaniyang master ang kaniyang pisngi, hindi niya pa malalaman na umiiyak siya. Ikinulong siya nito sa kaniyang mga braso.
"I don't want to lose you. I've never felt something like this for a long time – afraid of losing something. Please make me your reason to live," Crow said after a few minutes of silence.
Chloe felt every word na sinabi ng kaniyang master. He's someone she barely knew and yet, it feels like he's no new to her anymore. Yung magkaroon ng dahilang mabuhay, iyon nga ang nawala sa kaniya.
"Thank you..." sabi ni Chloe, almost like a whisper.
She can hear his every heartbeat. Mula nang nagising siya, she felt like all her senses became more sensitive. They were all enhanced. She can now see tiny bits of everything na noon ay hindi niya alam na mayroon pala. Even her movement changed. Her lousy old self was gone. Her figure and stature became more mature. She became more womanly.
Nagulat siya nang biglang humiwalay sa yakap ang kaniyang master. He is still holding her shoulders. "Bakit?" tanong niya rito.
Crow gestured for her to keep silent using his index finger at the top of his lips. Pumikit ito at tila ay pinapakiramdaman ang paligid.
"Higa!" sigaw ni Crow kasabay ng mabilis nilang paghigang muli sa damuhan. Matalim na tiningnan ni Crow ang pinanggalingan ng armas na lumipad sa kanilang kinaroroonan.
- - -
Sa 'di kalayuan, may dalawang lalaki ang nagmamasid kina Crow at Chloe. Kanina pa pasilip-silip ang mga ito sa dalawang taong magkayakap sa harap ng mansion. Ang isa sa kanila ay patpatin ang pangangatawan at ang isa naman ay kasalungat ng nauna at balbas sarado. Sinusuri nito ang patalim na kaniyang hawak.
BINABASA MO ANG
Vampire Master (Underconstruction)
Ficción GeneralSa mga nauna nang magbasa nito dati, THERE ARE SOME PARTS CHANGED po. Yes, it's UNDERCONSTRUCTION. Babaguhin ko din ang title nito soon after all the chapters are done. As for the dedications, I won't remove them.