[Twenty Part 1]

487 15 19
                                    

A/N: Dahil sa anghel na si venus_angelic na napakaganda at napaka-sexy, na halos lahat  na ng chapters eh ni-like niya (kase di niya ni-like yung Nine. Ajejeje*don't change j to h*. sana i-like niya din. XD) .. in-upload ko na ang last chapter first half.  Dapat di ko pa 'to ia-upload eh pero keribels na din.. Sana po magustuhan niyo. ^____________^

[Twenty Part 1]

"What should we do now?", mahinang tanong ni Crow.

Hindi siya makapaniwala sa kanilang nalaman.

Hindi niya rin alam ang gagawin.

"WE.SHOULD.KILL.HER!", galit na sabi naman ni Glace. Nababakas sa kaniyang mga mata ang galit. Kung hindi dahil sa angkan nila, malamang buhay pa sana ngayon si Crystal.

"NO!', pagtutol ni Crow.

"The decision is not on the hands of you two. Baka nakakalimutan niyong ang pinuno ng angkang kinabibilangan niyo ay nasa harapan niyo lang. Wala kayong karapatang magdesisyon pagdating sa ganitong bagay. Maaari na kayong lumabas pareho.'

---

Nagpunta si Crow sa kwarto ni Chloe.

"My Chloe?", Crow knocked.

"Crow pasok."

"Akala ko tulog ka na." Naupo siya sa tabi ng dalaga.

"Hindi ako makatulog."

"Sabagay, ang hirap nga namang matulog sa kabilang mga nangyayari."

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Parehong nag-iisip. Parehong may gustong sabihin ngunit hindi alam kung saan mag-uumpisa.

"Binitawan mo ako kanina." Chloe looked down. Napatingin naman sa kanya si Crow. "Alam mo ba natakot ako nun? Hindi ko alam. Halu-halo ang naramdaman ko. Natakot and at the same time nasaktan. Nung hawak mo yung kamay ko, I felt safe. Yun bang parang kahit na ilan pa ang magtangkang kumuha sa akin eh hindi sila magtatagumpay kasi nanjan ka. Kasi hawak mo ako. Kasi kasama kita." Tumingin siya kay Crow at di na niya napigilang maiyak. "Pero bigla kang bumitaw eh. Alam mo yung feeling na parang bigla ko naramdamang mag-isa na lang ako? Na kailangan ko nang tumakbo kasi wala nang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko? Ganun yung naramdaman ko eh."

Niyakap siya ni Crow. Dahil sa mga naririnig niya ngayon, mas mahihirapan siyang sabihihin ang dapat niyang sabihin. Oo nga naman, bakit nga ba ginawa niya yun kanina? Hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ng dalaga.

"Sssshhhh... Sorry my Chloe. Please wag ka nang umiyak.. Sorry kasalanan ko. I've been an idiot. Sorry." Hinalikan niya ang buhok ng dalaga habang hinihimas ito.

"B-buti alam mo. T-tanga ka talaga. *huk*  Tanga ka kasi hanggang ngayon pala ganun pa rin kalaki ang epekto sa'yo ni Krizzel. *huk* Akala ko ako na mahal mo. Ikaw kasi sinabi mo na ako na eh. Pero hindi pa rin pala. Ang s-sakit kaya! Alam mo ba yun? Ha? Grabe ka!"

"Ssshh.." Hinarap niya si Chloe and wiped her tears. "Ssshh... Don't say that. Ikaw na ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko."

"Sinungaling! Eh bakit nakita mo lang siya, binitawan mo na ako?"

"Nagulat lang ako. Nagulat lang ako kaya nabitawan kita.Hi---"

"So ganun? Sa tuwing magugulat ka, bibitawan mo ako? Ganun ba yun? *huk*"

"No. Sorry.. That's not what I mean. Sorry hindi na mauulit yun. Hinding-hindi na kita bibitawan uli kahit na anong mangyari. Patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Mahal na mahal kita Chloe." At muli niya itong niyakap.

"Hindi naman ako nagalit sa'yo eh. Gusto ko lang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko."

"Sorry pa rin."

Vampire Master (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon