[Three]

1.2K 14 0
                                    


[Three]


Nagising si Chloe dahil sa mga boses na kaniyang naririnig. Pinilit niya ang sariling magmulat ng mata kahit na medyo masakit pa ang kaniyang ulo. Mukhang may nagtatalo.


"Ma'am Chloe!" gulat na bati ng isa sa dalawang katiwala na nasa loob ng kaniyang silid. Lumapit ito sa kaniya. "Mabuti naman po at nagising na kayo."


Naupo si Chloe sa kaniyang kama.


"Ma'am, ako po si Ericka, isa po sa mga katiwala ni Master. Kakain na daw po. Gusto niyo ho bang dalhan na lang kayo dito ng pagkain?" magalang na tanong ng katiwalang lumapit sa kaniya. Ang isa naman ay nakatayo lang sa likod nito at tinitingnan siya.


"Bababa na lang ako," sagot ng dalaga.


"Sige po," Tumingin si Ericka sa kaniyang kasamahan pagkatapos ay nag-ayos ng tayo. "Mauuna na po pala kami sa baba Ma'am," paalam nito. Paalis na sana ang dalawa nang muli silang tawagin ni Chloe.


"Itatanong ko lang sana... Yung Master, sino 'yun?" tanong ni Chloe sa dalawa.

"Ah... Si Master Crow Flint po 'yun." 'Yung matipuno sigurong lalaki kahapon. "Siya po ang may-ari ng mansion na ito."


"Okay. Salamat!" sabi ni Chloe. Nang tuluyan nang umalis sina Ericka, nag-ayos na ng kaniyang sarili si Chloe. Nang matapos na siyang mag-ayos ay pinagmasdan niya muna ang kwarto kung saan siya naroroon.


Madilim ang kwartong ito at may dalawa lang itong kulay, pula at itim. Walang gaanong laman ang kwarto maliban na lamang sa isang malaking cabinet, kama, at isang halaman. Meron din itong isang maliit na mesa sa tabi ng kama na may nakapatong na lampshade. Ang bintana ng kwarto ay malaki at may kurtinang kulay itim.


Hinawi ni Chloe ang kurtina upang makapasok ang sikat ng araw. Nagkaroon siya ng panandaliang saya nang makita niya ang liwanag sa labas ng kwarto. Ngunit nawala din agad ito nang bumalik sa kaniya ang larawan ng kaniyang mga magulang na naliligo sa sarili nilang dugo. May pumatak na naman na luha mula sa kanyang mga mata. Madali niya itong pinunas.


Isa siyang masayahin at matapang na tao noon. Kailangan niyang ibalik iyon. Hindi pwedeng manatili na lang siyang ganito. Hindi siya pwedeng manatiling mahina. Para na rin sa kanya at sa mga magulang niya.


- - -


Maagang gumising si Crow dahil kailangan niyang pumasok sa kompanyang kaniyang pinapatakbo. Pinapatakbo kapag wala ang kaniyang kuya. Iyon ang nag-iisang kompanya sa kanilang probinsya. Ito ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya.


"Is Chloe already awake?" tanong ni Crow pagkaupo sa mahabang lamesa sa dining hall kung saan nakaupo na rin ang sampu pa niyang katiwala.


Crow permits his maids to eat with him – to monitor their health. He needs them to be healthy.

Vampire Master (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon