Epilogue.1

176 4 6
                                    

Epilogue.1

Sampung taon na ang nakakalipas at para sa mga taong nakalimot sa mga tunay na kaganapan, sa kanilang mga naging buhay, at sa kanilang mga sarili ay maihahalintulad sa isang taong natulog sa mahabang panahon. Marami na ang nagbago at marami na ang nawala. Tama, sampung taon na nga.

"Mommy!!!", tawag ni Memory sa kaniyang ina mula sa baba ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Kanina pa siya naghihintay sa kaniyang mommy dahil ngayon ang unang araw niya bilang isang high school student sa Mt. Virgo High School at sasamahan siya nito sa pagpasok.

Maya-maya lang ay nakita na niyang pababa na ang ina. Nagkakabit ito ng hikaw sa kaniyang kaliwang tainga. Hindi pansin ang pagiging mag-ina nila dahil mukhang nasa 20's palang ito kahit na 32 na ang kanyang totoong edad. Sa katunayan nga ay pinagkakamalan pa silang magkapatid lang kung minsan.

"Mi, bakit ang tagal mo? Dalian na natin." Hinawakan ni Memory ang kamay ng ina niya at hinila na ito palabas ng bahay hanggang sa sasakyan.

"May nag-message kasi sa akin kanina Honey. He's saying na he's one of the reporters who covered the incident happened ten years ago.", pagpapaliwanag ni Chloe sa kanyang anak habang nagkakabit ng seatbelt. "We had a quick convo and it just so happened that her daughter is going to attend your school too. She's an upcoming freshman too Honey."

Hindi alam ni Memory kung bakit kailangan pang sabihin ng kaniyang ina na pareho sila ng papasukang eskwelahan ng anak ng kausap nito. Gayunman, nanahimik na lang siya at hinayaan ang ina niyang magsalita.

"You know how long I have waited for this and how much I wanted to meet someone like him right honey?" Chloe smiled and giggled to her excitedness. "We're meeting now.", sabi nito sa anak.

Ang kanina pang nakatingin lang sa harapan at patingin-tingin ng oras sa kanyang wrist watch na si Memory ay biglang napatingin sa katabi niya.

"Mom?"

***

"Mom, don't give him your full trust ok?", paalala ni Memory sa kaniyang ina.

"Hmm... I'll try.", sagot nito saka ngumiti sa anak.

"Mom?" Memory gave her mom a stern look. Hindi siya makapasok sa loob ng kaniyang classroom dahil nag-aalala siya sa kanyang ina. Kilalang-kilala niya ito. Hindi ito madaling magtiwala ngunit kapag nakuha na ng isang tao ang tiwala nito, ibinibigay nito ang lahat. Lubos itong nagtitiwala.

"Ok, I will. Don't worry." Chloe gave her daughter an assuring smile. "You need to go now honey. I'll pick you up later ok?"

"Mom, you don't have to."

"I know. But I want to." Chloe kissed her baby before she went to meet Mr. Flint., the person who messaged her.

***

"Ms. Zaschtt?"

"So... You must be Mr. Flint?", Chloe asked as she gestured like she's pointing imaginary eyeglasses on. "Am I right?"

May lumapit na isang lalaking nakasalamin kay Chloe. Ang makapal na salamin ang pagkakakilanlan ni Chloe sa lalaking makikipagkita sa kanya. Sa tantya niya ay nasa isa o dalawang taon lang ang itinanda nito sa kanya.

"Yes it's me.", sagot nito at saka ngumiti. They sat down on one of the nearby benches, the one which is under an acacia tree.

"You looked more gorgeous in person. But I'm sorry Ms. Zaschtt, my wife is still the most gorgeous woman I have ever set my eyes on.", pagbibiro nito kay Chloe at bahagya pang napatawa sa sariling biro. Parang pamilyar ang mga matang nakikita ngayon ni Chloe. Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Parang napaka-espesyal ng mga matang iyon.

Vampire Master (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon