[Seven]
Hindi mapakali si Crow sa kanyang higaan kaya naman lumabas muna siya at pumunta sa balkonahe ng mansion. Pupuntahan niya ba si Chloe o hindi? Hindi kasi siya mapalagay. Nag-aalala siya sa dalaga sa nakita nito kanina.
It took almost an hour before he finally decided to go Chloe's room. Hindi pa siya nakararating dito nang bigla niyang marinig ang malakas na sigaw nito. Sigurado siyang siya iyon. Napatakbo siya dahil dito at madaling binuksan ang pinto ng kwarto ng dalaga.
He saw Chloe sitting on her bed. Pinagpapawisan ito, hinahabol ang hininga, at mukhang takot na takot. Nilapitan niya ito.
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Crow sa dalaga.
- - -
Marami ang mga nakakalat na patay na mga katawan ng iba't ibang babae sa kwarto. Nakakatakot ang kwartong iyon. May mga dugo din sa sahig at sa iba pang gamit.
Sa gitna ng kwarto, may isang lalaki ang nakaupo na napapaligiran ng tatlong babae. Nakatalikod sa kanya ang lalaking nakaupo kaya hindi niya makilala o mamukhaan man lamang ang taong ito.
Walang humpay pa rin ang pag-ulan sa labas at habang tumatagal ay palakas pa ito ng palakas. Kasabay ng isang malakas na kulog at kidlat, biglang bumagsak ang isa sa tatlong babae at sumunod pa ang dalawa.
Sa isang iglap, ang kaninang kwarto na puno ng mga katawan ng mga patay na babae ay biglang nalinis. Ang naiwan na lang sa loob ay siya at ang lalaking nakaupo. Umikot siya ng tingin upang hanapin ang kaniyang master ngunit wala na ito. Wala ang kaniyang master.
Bigla siyang nakaramdam ng takot. Sobrang takot. Hindi niya malaman ang gagawin. Gusto niyang tumakbo palayo ngunit hindi siya makaalis mula sa kinatatayuan niya. She slowly moved her head to see the guy who's with her at kasabay ng muling pagkidlat, isang katakot-takot na mukha ang bumungad sa kaniya.
- - -
Sobrang takot na takot si Chloe. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganung klaseng panaginip. Natakot siya nang magbukas ang pinto ng kaniyang silid ngunit napawi din agad ito nang makita niya kung sino ang pumasok – ang kaniyang master. Somehow, she felt relief. Kapag nandiyan ang kaniyang master, she feels safe and secure.
Naglakad palapit sa kaniya ang kaniyang master. "What happened?" tanong nito na puno ng pag-aalala. Bigla niya itong niyakap at saka umiyak na parang bata sa dibdib nito. Crow hugged her back and tried to calm her down.
"Master, napanaginipan ko..." Chloe said between her sobs.
"Huwag mo nang isipin 'yun. Just sleep and rest," pag-aayo nito habang hinihimas ang buhok ng dalaga. "I'll stay with you just please... stop crying."
- - -
Sabi noon ni Crow, siya ang magpoprotekta sa babaeng ito. Ipinangako niya noon sa kaniyang sarili na hindi na niya hahayaang patuloy pa itong umiyak at mahirapan. Ngunit ano itong ginawa niya? Bakit ni isa sa sinabi niya ay walang nasunod? Wala siyang nagawa para pigilang makita ng dalagang ito ang hindi niya makita.
BINABASA MO ANG
Vampire Master (Underconstruction)
General FictionSa mga nauna nang magbasa nito dati, THERE ARE SOME PARTS CHANGED po. Yes, it's UNDERCONSTRUCTION. Babaguhin ko din ang title nito soon after all the chapters are done. As for the dedications, I won't remove them.