[Four]

1.1K 19 2
                                    


[Four]


Hindi mapakali si Crow sa kaniyang opisina. Hindi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay parang may hindi magandang mangyayari kay Chloe. Sa loob ng ilang dekada, naging tapat sa kaniya ang kaniyang mga katiwala. Lahat ng kaniyang mga naging utos sa mga ito ay kanilang sinunod. Ni minsan ay hindi pa nabali ang kaniyang utos. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Ngayon lang uli nagkaroon ng taong tumapak sa kanilang mansion.


Hindi na kayang hintayin pa ni Crow ang ilang oras na pananatili sa opisina. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa pag-aalala kapag hindi pa siya umuwi ngayon. Bahala na!


Bago umalis si Crow ay kinuha niya muna ang lahat ng kaniyang kakailanganin para sa report na ipapasa niya sa kaniyang ama bukas. Kulang na lang ay paliparin niya ang kaniyang sasakyan para lang makarating siya kaagad ng mansion. Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawa niyang pagpapatakbo.


Isang pamilyar na amoy ng dugo ang bumalot sa loob at labas ng mansion at hindi ito nakalagpas kay Crow. Dali-dali niyang hinanap si Chloe. Dinala siya ng kaniyang paghahanap sa isang pinto – pinto ng isang kwarto na hindi sa dalaga. Nakakandado ito kaya naman buong pwersa niya itong sinipa. Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang dalawa sa kaniyang mga katiwala at ang dalagang kanina niya pang hinahanap. Nakahandusay ito sa isang sulok, tulala at animo'y wala nang buhay.


"WHAT HAVE YOU DONE TO HER?!" Mabilis na napatakbo sa dalaga si Crow. Umalingawngaw sa buong mansion ang kaniyang naging pagsigaw. Iniangat niya ang ulo nito at ipinatong sa kaniyang kaliwang hita. Napansin niya ang pares na tatak sa leeg nito – isang kagat ng bampira. "HINDI BA'T SINABI KONG HUWAG NIYO SIYANG GAGALAWIN?!"


Matatalim na tingin ang itinapon ni Crow sa kaniyang katiwalang si Vienne. Bakas pa sa bibig ng katiwalang ito ang kasalanang kaniyang ginawa. In just a blink of an eye, nasa harap na agad ng dalawang katiwala ang binatang nanlilisik ang mga mata. They haven't seen this side of him before. Takot na takot sila at nanlalambot ang mga tuhod.


"YOU HAVE DISOBEYED YOUR MASTER!" Sinampal nang pagkalakas ni Crow sa Vienne at tumilapon ito sa sulok ng silid. She deserves it. Binalaan na niya ang mga ito, dalawang beses pa nga. And he never repeats his command. Iyon lang. Pero bakit hindi pa rin sila nakinig?


Napaupo naman ang isa pa dahil sa takot.


Iniwan ni Crow ang kaniyang mga katiwala at muling hinarap si Chloe. Kailangan itong maagapan dahil kung hindi, mamamatay ang dalaga. Binuhat niya ito at dinala sa sariling silid. Lahat ng katiwala ay hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin at kung ano ang gagawin. Natatakot sila sa kanilang Master dahil ngayon lang nila ito nakitang ganito.


A single bite of a Class B vampire is a very deadly poison to humans if the act is prohibited. Any actions done by the Class B vampires are sin if it's against the will of their masters – the Class As. Sa ngayon, kailangan niya munang obserbahan ang dalaga. Kapag kinakitaan niya ito ng mga senyales ng maaari nitong kahantungan, isang bagay na lang ang natitirang maaari niyang gawin upang maisalba ang buhay nito.


Inihiga ni Crow si Chloe sa kaniyang kama. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito. Bakas sa mukha ng dalaga ang paghihirap. Halos basa pa rin ang mukha nito. Malamang ay nanlaban siya at umiyak nang umiyak.

Vampire Master (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon