[Fourteen]

706 11 2
                                    

[Fourteen]

"My Chloe!"

Chloe heard her master called her.

Papunta na sana ito sa labas ng bahay kung nasaan ang kaniyang master nang pakisuyuan uli siya ni Crystal.

Dahil nga mansion ni Glace ang tinutuluyan nila, si Crystal ang pinakamataas na katiwalang nagsisilbi dito sa mansion kaya naman siya ang pangatlo na dapat sundin ng sampung katiwala ni Crow.

"Chloe sorry, pero pwede bang tulungan mo muna kami dito sa pagliligpit ng mga pinagkainan?", tanong ni Crystal.

"Ah... Tinatawag kasi ako ni Master eh."

"Sige na please! Dalawa lang kami dito o..", muling pakiusap ni Crystal.

Gusto man ni Chloe na puntahan agad ang kaniyang master, naaawa naman siya kay Crystal at kay Alyana na kasama nitong naglilinis.

Ang dami nga naman kasi ng kailangan nilang ligpitin.

"Okay, sige..."

"Ay! Parang ayaw mo yata eh.", sabi ni Crystal na parang nagtatampo.

Para talagang isip bata si Crystal, ang kulit.

Maging si Chloe ay nagtataka kung paanong si Crystal lang ang nag-iisang katiwala ni Glace.

"Chloe sige na. Tulungan mo na muna kami!", sabi naman ni Alyana.

"Tutulungan ko na kayo.", pagsang-ayon ni Chloe sabay ngiti.

Ngumiti din si Crystal, "Halika na!"

Nag-umpisa na silang magligpit.

Habang nagliligpit sila ay muling tinawag ni Crow si Chloe.

"Si Master...", mahinang sabi ni Chloe habang nagsasabon ng plato sabay tingin kay Crystal na parang nanghihingi ng pahintulot.

Pero pagtingin niya kay Crystal ay hindi naman ito nakatingin.

Nagpupunas ito ng mga nabanlawan ng mga plato ni Alyana habang nakangiti at mahina pang kumakanta.

Chloe sighed at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.

Saglit siyang sumulyap sa may pinto papunta sa kinaroroonan ng kaniyang Master.

'Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hinahanap ko na siya agad eh kakakita ko lang sa kaniya? Haaayy...'

---

Medyo naiinip na si Crow kakahintay kay Chloe.

Kanina pa niya ito tinatawag pero hindi ito lumalapit.

Hanggang sa napagdesisyunan na lang niyang tumayo at puntahan ito.

Nasa may pinto na siya papasok ng mansion nang makasalubong niya si Chloe na nagmamadali.

Nabangga si Chloe kay Crow.

Lumayo agad si Chloe kay Crow at yumuko.

"Sorry Master!", sabi nito habang nakayuko.

Nakita ni Crow na pinunasan ng dalaga ang noo nito gamit ang likod ng palad niya.

Crow holds her chin at itiningala ito.

Binitawan din niya ito.

"Bakit ka nagmamadali? Pinagpawisan ka pa tuloy.", Crow said.

Kinuha ni Crow ang panyo niya sa bulsa at ipinunas sa kaunting pawis ng dalaga.

"Next time, wag mo nang papagudin ang sarili mo. Ayaw kong napapagod ka."

"Pero master, katiwala niyo lang po ako kaya hindi ko maiiwasang hindi mapagod."

Vampire Master (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon