[One]
Buwan na naman ng Mayo. Tag-ulan na naman. Karamihan ng mga tao ay nasa loob ng kanikanilang bahay. Marahil ay natutulog ang ilan dahil sa lamig ng panahon. Marahil ang iba naman ay humihigop ng mainit na kape o sopas.
Lingid sa kaalaman ng mga tao, may isang babae ang tumatakbo para sa kaniyang buhay. She is Chloe. Ang kaniyang ama ay nagkaroon ng malaking pagkakautang. Ngunit isa lamang itong magsasaka. Wala ring trabaho ang kaniyang ina.
Hindi nila nabayaran ang kanilang pagkakautang at naging dahilan ito ng isang madugong pangyayari. Tinangkang patayin ang kanilang buong pamilya ng limang lalaki.
Hindi malaman ni Chloe kung ano ang kaniyang gagawin. Wala siyang ibang nagawa nang mga oras na iyon kundi ang sumigaw at umiyak at heto siya ngayon, patuloy sa pagtakbo. Hindi niya nagawang manlaban. Hindi niya nagawang ipagtanggol ang mga magulang niya.
Wala silang nahingan ng tulong. Wala silang mga kapitbahay. Ang pagitan ng mga bahay ay halos kalahating kilometro. Sumigaw man ay walang makakarinig. May mamatay man, walang makakaalam. At walang may pakialam. Bukod pa dito, wala ring kuryente ang kanilang lugar. There's no means of communication except through letters or personal conversation. Hindi pa naaabot ng makabagong teknolohiya ang kanilang lugar.
Patuloy pa rin siya sa pagtakbo, pinipilit na huwag gumawa ng ingay. Gusto niyang humagulgol. Ngunit kailangan niya ring makatakas. Kung saan siya papunta? Hindi niya rin alam.
Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili sa isang masukal na kakahuyan. Wala na siyang naririnig na kahit anumang kaluskos o yabag ng mga taong gustong pumatay sa kaniya.
Masyado nang madilim ang buong paligid. Basang-basa na siya at nangangatal na sa lamig. Tila naubos na ang kaniyang mga luha sa kakaiyak kaya wala nang maiinit na tubig na dumadaloy mula sa kaniyang mga mata.
Naglakad-lakad siya at nagpalinga-linga hanggang sa may mahagip ang kaniyang mga mata na liwanag. Sinundan niya ang liwanag na ito, dala ang gatiting na pag-asang mabuhay...
- - -
Samantala, sa isang tagong mansion sa lugar ng Quezon, may isang bampira ang nagngangalang Crow Flint. His thirst for blood is ruling him. Wala siyang pakialam sa kahit sino man when he is in his current state. The more he forces himself to do the alternatives, the more his thirst for blood directly from the body heightens.
Crow has his maids who give themselves willingly to Crow. They serve themselves as his source of food. No one does something they are against with. As for Crow, as long as he doesn't run out of supply, everything is fine.
Makisig at matipuno ang pangangatawan ni Crow. That's one thing why his maids are being drawn to him. Another one is that, maalaga si Crow at mabait sa kahit na sino sa kanila. Pantay-pantay din ang trato ni Crow sa kanilang lahat kaya walang nangyayaring alitan sa pagitan ng bawat isa.
"Alyana..." tawag ni Crow gamit ang kaniyang malambing na boses Lumapit sa kaniya ang isa sa kaniyang mga katiwala. Maputi ito, matangkad, balingkinitan ang pangangatawan, katamtamman ang tangos ng ilong, at may mapupungay na mga mata. Tinanggal ni Crow ang pagkakatali ng buhok nito nang inilapit nito ang kaniyang sarili kay Crow.
His fangs showed up and closed his eyes as he does his thing. Crow knows when he needs to stop. Hindi niya hinahayaang maubusan ng dugo ni isa sa mga katiwala niya or else, they will die. He gives them time to rest and replenish their blood.
Once the ladies commit themselves to Crow, there would be no turning backs. Hindi nila alam ang daan paalis so if ever they would change their minds, which never happened even once, they won't be able to leave. Also, there would be no reasons to leave anymore. Alam nilang sa lugar na iyon na lang sila magiging ligtas. They are already one of him. All of them are already vampires. The only difference is that they are on the lower class. Class B sila at ang kanila namang master na si Crow ay Class A.
Class A vampires are more powerful than the Class B vampires. They are considered the most powerful in fact. They are the masters. On the other hand, the Class Bs need to submit to their masters.
All the maids stopped aging. Kung ano ang hitsura nila noong dumating sila sa mansion ay ganun pa rin hanggang ngayon. Their faces and figures remain unchanged.
Crow stopped on his business with Bianca, the third maid, when someone suddenly knocked on the door of the room. He sat down on the sofa and stretched his left arm at the back of it.
"Come in," sabi ni Crow sabay punas ng dugo sa labi nito gamit ang kaniyang hintuturo sa kanang kamay at sinipsip ito.
Pumasok naman si Sandra at saka yumuko bilang tanda ng paggalang. "Master, may babae po sa baba at basang-basa. Sa palagay ko po ay kanina pa siya nilalamig at tinatanong niya kung maaaring makituloy. Papapasukin ko ho ba?" magalang na sabi nito sa kanyang Master.
Crow is being called as Master in his mansion. It is to show respect.
Sandaling nag-isip si Crow. Ngayon lang kasi may naligaw na tao roon, lalo na at babae pa ito. Hindi niya alam kung paano ito nakarating roon ngunit para sa kanya, ang bisita ay bisita at dapat na pinapakitunguhan ng ayos.
Tumayo si Crow at inilagay sa bulsa ng kaniyang maong na pantalon ang kaniyang mga kamay. "Lead me to her," utos niya kay Sandra
"Yes Master!" sagot ng kaniyang katiwala.
---
Please check my website if you want to get to know me better and read some more of my stuffs. It's still underconstruction tho. You can just copy-paste this link (hearprinceshere.wordpress.com) or click the external link. Love you all!
BINABASA MO ANG
Vampire Master (Underconstruction)
General FictionSa mga nauna nang magbasa nito dati, THERE ARE SOME PARTS CHANGED po. Yes, it's UNDERCONSTRUCTION. Babaguhin ko din ang title nito soon after all the chapters are done. As for the dedications, I won't remove them.