[Nine]

889 14 12
                                    

[Nine]


Crow and his older brother, Glace Flint – are at the mansion's garden again – sitting while facing each other, a glass table in their middle. Naka-de kwatro si Glace habang ang kaniyang mga siko ay nakapatong sa arm rest ng bakal na upuan. His fingers were intertwined and sincerely looking at his younger brother. Bahagya namang nakayuko si Crow, animo'y nag-iisip. Magkahiwalay ang kaniyang mga binti at nakapatong sa kaniyang mga tuhod ang kaniyang mga siko.


"Sa isang araw na ang due date bro. And just like what I've said---"


"I know, I know. Sasabihin ko na sa kaniya ngayon. But it's just that... I don't know where to start. Ang hirap."


"Ano ba ang mahirap dun? You'll just tell Chloe who she really is." Napaangat ang tingin ni Crow sa kaniyang kuya."I already warned you about this thing. Alam mo kung bakit ka nahihirapan? You're now too attached with her."


That hit home.


"Sana kasi sinabi mo sa akin nang mas maaga. Edi sana, nalayuan ko siya."


"Teka nga, bakit ba ako na ang sinisisi mo dito?" Napaalis ang de kwatro ni Glace at lalong sumeryoso ang mukha. "'Wag mong maipasa-pasa sa akin 'yang pagiging iresponsable mo ha. Noon pa, sinabi na sa'yo ni Papa na sa'yo mapupunta ang susunod na Fate 'di ba? And until you meet her, hindi ka pwedeng magkaroon ng anumang klaseng ugnayan sa ibang babae maliban na lang sa pagiging katiwala nila. Pero anong ginawa mo? Sinuway mo! Hindi ka na natuto!" Glace pointed a finger at Crow.


"Ano ba kuya, she's also just one of them!" Hindi na rin napigilan pa ni Crow ang magtaas ng boses. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit pinaparatangan siya ng kaniyang kapatid. Oo, gusto niya si Chloe. Ngunit isa lang rin itong katiwala. Tulad ng siyam, pinagsisilbihan rin siya nito. Ginagawa rin niya ang ginagawa ng iba pa.


Napasabunot si Crow sa kaniyang sarili. He closed his eyes to calm himself bago tumayo. "Alam ko kung ano ang dapat at 'di ko dapat gawin... Papasok na ako sa loob," paalam ni Crow sa kaniyang kapatid bago naglakad paalis.


"Admit it or not, mahal mo na siya."


- - -


Dalawang araw na ang nakararaan matapos ng gabing iyon ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Chloe ang mga nangyari. Para kasing napakaimposible. It seems like a dream and yet, his every touch was so real. At hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya sa kaniyang balat ang mga ito.


They didn't have a chance to talk after that night though. Crow became busy. She's not just sure about what it is he's being busy of. Ngayon na nga lang niya ito nasilayang muli at kausap pa ang kapatid nito. Parehong seryoso ang kanilang mga mukha habang nakaupo sa hardin ng mansion. Pasimple siyang sumusulyap-sulyap sa mga ito mula sa kusina habang nagpupunas ng mga kagamitan. Natigil siya sa kaniyang ginagawa nang marinig niya ang pagtaas ng boses ni Glace at kasunod nito ay ng kaniyang master. Nang makita niyang papasok na si Crow, mabilis siyang muling nagpunas. Sinundan niya ito ng tingin. Crow met her gaze kaya madali siyang napabalik ng tingin sa kaniyang pinupunasan at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. In her peripheral vision, nakita niyang humakbang ito palapit sa kaniya at muling tumigil. He remained standing there, looking at her, for about more than two minutes pagkatapos ay umakyat na ito pataas. Marahil ay papunta sa silid nito. Parang gusto nitong lumapit sa kaniya kanina. Bakit naman kaya? O baka naman halusinasyon niya lamang ito.

Vampire Master (Underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon