003 || Before

595 14 2
                                    

Lany's PoV

Last Year... [Flash Back]

Phone Screen...

Babe
9:02am

Babe? Asan ka?

9:05am

Babe? I miss you
Babe?
Babe ko? Asan ka?

9:17am

Hindi mo raw kasama
sila Jerome?

Ano ba?!
Can't you see I'm busy!?

I'm sorry, I was just worried.
Sabi ni Jerome umalis ka raw,
kaya nag-alala lang naman ako.

Bat ba ang manhid mo? >:/
I don't love you anymore!
I'm seeing someone else...
Break na tayo.

--------------
--------------

Pumatak ang luha ko at nabitawan ko ang phone ko. Hindi ko na alam!?! Bat hindi pa ako nasanay!?! Lagi nalang akong nasasaktan! Lagi nalang akong naiwan.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Shakira.

"Beshy! I MISSED..." Naputol ang sasabihin niya nang makita niya ako.

Nung una nagtataka siya kung bat ako umiiyak, at biglang akong nilapitan. Niyakap niya ako ng mahigpit, at hinagod ang likod ko.

"Alam mo, hindi ka pa rin na..." Pinutol ko na siya diyan, alam ko na rin ang katuluyan niyan.

"Oo, alam ko na kasunod, wag mo nang ituloy, wag mo nang ipamukha, masakit na." At mas lalo akong umiyak. Sa totoo lang nakakasawa rin ang ganito, yung ako nasasaktan, sila hindi. Yung ako mukhang tanga sa kakaiyak dito, tas sila parang wala lang, kung di pinagpustahan, pinalitan na nila ako agad.

Ito ang pangatlong pagkakataon na ganito ang naging eksena ng buhay ko. Ang iyakan ang lalaking minahal ko pero hindi ako minahal at pinaglaruan lang.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon