017 || Invitation

260 6 0
                                    

Kean's POV

Papunta kami nina Michael at Lync sa campus park. Andoon kasi sila Andre nag-rereview. Ngayong week na to ang exams namin.

Parating palang kami narinig ko na si Jean. "Kinakabahan ako." Sabi ni Jean.

"Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong ni Shaira.

"Eh kasi, Ang hirap ng statistics. Di ko nagegets yung formula niya." pagmamaktol ni Jean.

"Ganito kasi yan." Pagkuha ni Michael ng notebook nang makalapit kami niya tsaka siya tinuruan.

"Asan pala si Lilac at si Andre?" Tanong ni Lync, tsaka siya tumabi kay Shaira Kanina ko pa kasi napapansin na parang may kulang. Walang maingay pag nagrereview ako. Pero parang may kulang parin eh.

"Ewan eh. 'Di naman na sila bumalik tapos ng pag-alis nila." sagot ni Shaira.

"Saan sila nagpunta?" tanong ni Michael.

"Eh kasi nagmaktol 'tong si Andre. Hindi niya raw maintindihan yung gagawin, kaya ayun niyaya siya ni Lilac na kumain. Kaso 'di naman na sila bumalik." paliwanag ni Jean.

"Ahh, at least tahimik. Tsaka nga pala, asan din si Lany?" Tanong naman ni Lync.

Tsaka ko lang napansin na siya pala ang nawawala. Bat ngayon ko lang napansin? Tahimik din kasi siya, kaya siguro di ko napansin

"Oo nga asan pala siya?" pagsang-ayon ko sa tanong niya.

"Hindi ko rin alam eh. Bago pa umalis si Lilac umalis siya bigla." Shaira.

"Baka naingayan sakanilang dalawa?" Sabi ni Jean.

"Sige hahanapin ko lang siya." paalam ko sakanila.

♥♥♥♥♥♥♥

Nagpunta ako ng cafeteria pero wala siya doon. Pumunta rin ako sa homeroom namin wala din siya doon. Pati nga sa campus library eh. Di ko siya mahanap.

Naisipan kong magpahinga muna kaya pumunta ako doon sa malapit na coffee shop dito sa loob ng campus. Um-order akong isang strawberry cheesecake frappe. Naghanap ako ng bakanteng lamesa. May nakita ako kaya umupo ako duon. Nilabas ko ang phone ko at inisip kong itext nalang si Lany kung nasaan ba siya.

"Oh eto pala yung order mong isang strawberry cheesecake frappe." Sabi nung waiter sa likod ko. Dahilan para mapalingon ako.

"Thank you." masayang sagot ng pamilyar na boses. Kaya tumayo ako at lumapit. Laking gulat ko ng makita kung sino yun.

"Lany!" sabi ko tsaka umupo sa bakanteng upuan na katapat ng kanya. Nagulat siya sa pagtawag ko kaya napalingon siya sakin.

"Ay Kean, ikaw pala yan." Sabi niya sabay ngiti.

"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba nandun silang lahat sa park?" Tanong niya sakin. Nakasalamin siya, Yung tali ng buhok niya, anong tawag ni Thalia diyan? Messy bun ata yun? Tapos wala siyang suot na make-up. Napakasimple lang ng hitsura niya ngayon, pero ang ganda niya parin.

"Kean? Nakikinig ka ba?" Tanong niya uli, natigilan ako sa boses niya.

"Ahh, eh kasi, sabi nila na kanina ka pa raw wala kaya hinanap kita." sagot ko.

"Ah kasi ang ingay ni Andre. Ang ingay na nga ni Lilac magreview ang ingay pa ni Andre kaya sabi ko kukuha lang ako ng makakain sa cafeteria, kaso parang wala akong gana kumain kaya naglibot ako ng mapagrereviewhan. Naalala ko 'tong coffee shop dito sa campus kaya dito na ako dumeretso." paliwanag niya.

"Ah, eh nung umalis ka kasi saglit lang daw umalis na rin ang dalawa, 'di na rin daw bumalik." paliwanag ko din.

"Ah ganon ba." yan ang huli niyang nasabi nung biglang dumating yung waiter kanina.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon