005 || Date a Stranger?

469 11 2
                                    

Kean's POV

Nakita kong nilapitan nila Andre at Michael yung babaeng nakatabi ko sa jeep kanina. At kinausap pa nila. Hinayaan ko muna sila sa katangahan nila at tumulong nalang ako kayla Mich at Jean sa pag-aayos ng pinagkainan.

Habang nag-aayos, napansin ko na bigla humarap si Andre sa lugar namin at parang tinuro ako. Ano nanamang kalokohan to? Wag mong sabihin na tinotoo nila yung pinag-usapan nilang ilakad ako doon sa babaeng yun? Nakakahiya, ang baliw naman netong mga mokong na 'to.

Lumapit ako sa lugar nila at narinig ko ang sinabi ni Michael.

"Torpe kasi kaya kami nalang maglalakad sakanya."

Di na sila nahiya, at talagang kinausap pa nila siya. At talagang sinabi nila na ilalakad nila ako? Lagot talaga kayo sakin!

"Michael! Andre! Anong ginagawa niyo?" sigaw ko sakanila.

"Oops, andiyan siya." at sabay silang tumawa. Lagot talaga kayo sakin mamaya.

"Halinga kayo dito! Uhm miss, I'm terribly sorry about these two idiots, for disturbing you." At nginitian ko siya para naman makita niya na isa samin may hiya pa.

Hinila ko silang dalawa palayo sakanya bago pa may masabi yung dalawa na pagsisihan ko.

"Ano bang problema niyo ha? Di ba kayo nahiya?" Singhal ko sakanila. Tapos tinawanan lang ang ng dalawa. Nahiya tuloy ako, parang kulang pa yung sorry para doon sa ginawa ng dalawang mokong.

Habang nagkwekwentuhan sila nakatingin ako sakanya. Parang ang lalim ng iniisip niya, nakatingin sa langit, habang nakikinig siya. Minsan nga napapasulyap siya dito, kaya bigla akong iiwas ng tingin.

*Ting!*

1 new message from Dad

Him: Son, I've sent text messages to those new transfer students. I need you to give them a tour around campus. Come here at exactly 8:00 am tomorrow. Thanks Son.

Well, I guess I have plans for tomorrow.

"Aba nakuha mo na ba agad yung number nung babae? Mukhang busy ka diyan ah." Biglang sabi ni Andre.

"Mabilis ka pala pare eh, Kala ko torpe ka?" Singit naman ni Michael.

Sinapak ko silang dalawa. "Nagtext sakin si Dad, sabi niya na itour ko raw yung mga transferees sa campus."

"Weh? Talaga ba?" tawa tawang sagot ni Andre habang si Michael naman kanina pa tumatawa.

♥♥♥♥♥♥♥

Nag-aya si Jean na umuwi na, sumang-ayon naman si Mich, sabi nila Michael at Andre na sila na ang maghahatid sakanila pauwi. Nagpaalam ako na magstay muna saglit.

Bago pa umalis ang laki ng mga ngisi nung dalawang mokong sabay tingin sa babae kanina.

Habang nakatingin sa kalangitan biglang tumunog yung phone ko. Tumatawag si Michael, kaya sinagot ko.

Me: Oh, napatawag ka? Naihatid mo na ba si Jean sakanila?

Michael: Oo pare, nakauwi na siya. *bigla kaming natahimik*

Micheal: Alam mo pare, puntahan mo kayo siya, gamitin mo yung ginawa namin as a way.

Seryoso yung tono ng boses ni Michael.

Me: At pano ko naman gagawin yun?

Michael: Ayain mo siya magcape, o kaya ilibre mo ng kahit ano. Diskartehan mo brad.

Napaisip ako, gagawin ko ba talaga 'to? Di kaya mapahiya lang ako?

Me: Sige, balitaan nalang kita.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon