006 || Prophecy Dream

418 8 0
                                    

Lany's POV

Nakangiti akong sumakay sa kotse ni Shaira. Hindi ko nga alam kung bakit eh.

"Hoy! Para kang baliw diyan, ngumingiti mag-isa! Magkwento ka naman. Bat di ka nagsasabi na may hottie ka palang boyfriend." Sabay ngisi sakin. Aba! Siya daw? Boyfriend? As if naman?

"Luh?! Abno ka ba? Ako magkakaboyfriend? Para saan? Para masaktan ulit? Tsk. Tanga ako noon, pero di na ngayon." At tinarayan ko nga siya. Pagkatapos ng lahat, di pa ako madadala? Hello?! I wasn't born yesterday!

"Bitter? Eh kung makangiti ka diyan, mukha kang nasiraan ng bait? At in all fairness! Matangkad, pogi at mabait pa. Malamang gentleman siya noh? Sino ba yun?"

Akala ko ba may boyfriend 'tong loka-loka na 'to? Eh bat parang pinagpapantasyahan niya si Kean?

"Hay nako ewan ko sayo, alam mo, umuwi na tayo. Maaga pa tayo bukas, pupunta pa tayo ng University at may tour daw tayong mga bagong students." Pag-iiba ko ng topic.

"Uy, ikaw naman. Ayaw magkwento, sige na nga, hindi na kita pipilitin ngayon, pero bukas pag nasa tour tayo, sisiguraduhin ko na sasabihin mo sakin lahat ng nangyari, fom beginning to end." Sabay tawa niya. Ang baliw nitong bruhang 'to eh. Pero sasabihin ko pa ba lahat? As in lahat?

♥♥♥♥♥♥♥

Finally nakarating na kami sa harap ng bahay ko. Kasama ko rin si Yaya Mei dito sa bahay . Dati na siya samin even when my parents were still here in the Philippines. Now, mom just send me money from somewhere, I don't really care where. They're out there working and left me here. So I have no clue on where they are.

Nang makababa at isara ang pinto ng kotse ni Shaira, binaba niya ang bintana. "Lany, don't be late, baka mamaya mapuyat ka sa kakausap niyo nung boylet mo." Kinindatan niya ako at binigyan ng malaking ngisi at mabilis na pinaandar ang koste papaalis.

Baliw talaga yung babaeng yun. Ni hindi ko nga alam full name ni Kean eh, tsaka hello? Wala naman akong number niya. Tse! Makapasok na nga ng bahay.

Nang pagpasok ko, sinalubong agad ako ni Bailey. Ang aso kong napakacute. Tumahol siya na para bang sinasabing buhatin ko siya.

"Aww Bailey, namiss kita." sabi ko pagkabuhat ko sakanya.

"Arf arf!" Sagot niya sakin, na para bang sinasabi na 'i miss you too!'

Narinig ata kami ni yaya Mei. "Ina? Ikaw ba yan?"

"Opo yaya mei!" Sigaw ko. Nasa kusina siguro siya.

"Oh tara, kain? Panigurado gutom ka na matapos yung date niyo." Nagulat ako sa sinabi ni yaya Mei. Di nga ako nakasagot eh.

"Sinabi na sakin ni Shai." Tsaka niya pinakita ang cellphone niya.

Hay nako! Kahit kailan talaga sila ni Shai.

Maya mayang unti pagkatapos kong kumain, nagshower muna ako para naman kahit papano marelax na ang katawan ko. Nakakatanggal ng stress yung mga matagalang babad sa bathtub. Pagkatapos ko magbihis, kumuha muna ako ng tubig sa kusina bago ako umakyat ng kwarto ko.

"Hay, ang daming nangyari ngayon araw. Nakakapagod nga Bailey eh." Tsaka ako umupo sa kama at binaba si Bailey. Tumahol uli siya like his cheering me up?

Humiga na ako sa kama, at agad akong nakaramdam ng antok. Bago tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko pang umakyat sa kama si bailey at tumabi sa may paanan ko.

♥♥♥♥♥♥♥

Nasa isa akong park sa likod ng mukhang school building. Nang sumilip ako, nakita ko silang nag-uusap ni Sean? Bat andito si Sean? At sino 'tong kausap niya? Nakatago ako sa gilid ng building.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon