014 || Lilac's Place

261 7 0
                                    

Kean's POV

Nang matapos ang scenario kanina nagsuggest si Michael na punta raw kami sa bahay nila Lilac.

"Ano naman gagawin natin duon?" Tanong ni Lync.

"Isasama natin sila." Sabi naman ni Andre.

"Isasama? Saan?" Tanong ko.

"TAGAYTAY!" Sabay nilang sinabi ni Michael. At tuwang tuwa pa sila.

"But it's already midnight, they might be asleep." Sabi ko.

"I doubt that. Sleepover yun di ba? Magpupuyat pa yang mga yan." Sabi ni Lync.

"Well then, kung tama ang hinala ni Lync, tara na sa bahay nila Lilac." Sabi nila Andre. Parang batang lumabas ang mokong. Natawa nalang kaming tatlo.

"May damit naman na tayo na naiwan sa penthouse mo Kean eh. Kaya madali nalang satin yun. Tsaka buti pa yung penthouse, inuna mo pero yung kotse mo nahuli." Patawa-tawang sabi ni Michael.

"Well that was our essentials back then. Tsaka dun lang naman ako nakakatakas sa problema eh.Besides, I didn't necessarily needed a car kasi we always used just one vehicle." Natatawa ko na ring sabi. Kung bakit ko nga naman kasi inuna yung penthouse? Ang tanga ko naman din kasi sa ibang bagay. Di porke matalino eh perfect na.

"Well I already have a car." sabi ko sakanila. Yep I already asked Butler Edwin. I told dad that I don't need a butler, pero he said I'm his son so he still needs to support me, I agree with that fact but I don't need a butler. But as of now tinuturing ko si Butler Edwin na parang pangalawang ama. Siya ang bumili ng kotse ko. And it's all my money so I'm proud of it.

"Really? You've finally did it then." pagpuri ni Lync.

"Yup. And Senior Years will be an easy challenge now." Sabi ko.

"Maybe." sabi ni Andre at tsaka sila tumawang tatlo at sabay sabay pa sila. May hindi nanaman ako alam na kalokohan nitong mga 'to ah.

"Spill dude." Sabi ko medyo seryoso. Medyo lang naman.

"Lany." they all said in unison. Anong meron kay Lany?

"What about her?" Tanong ko. Wala akong ideya sa kung anong meron.

"You'll soon figure that out on your own." sabi ni Michael at tinapik ang balikat ko.

"Our young Kean, finally at long last." Pag-iinarte ni Andre kay Lync.

"Can't wait for that day." sabi din ni Lync na puno ng arte.

"You guys are going nuts." Natatawa kong sabi.

♥♥♥♥♥♥♥

Pumatungo na kami kayla Lilac, pero dumaan muna ako sa bahay para kunin yung kotse ko, tsaka ako tumuloy sa bahay nila.

Habang on the way napansin ko na bukas pa ang ice cream parlor. Naalala ko tuloy si Lany. Kung pano siya naexcite nung sinabi kong bibilhan ko siya ng strawberry ice cream. Nakakatuwa lang yung hitsura niya.

Biglang tumunog ang phone ko, dahilan para magulat ako. Tumatawag pala si Lync.

"Hey dude, where are you? Andito na kami kayla Lilac." Sabi niya. Sa kabilang linya maririnig mong nag-aasaran na ang dalawa. Napangiti ako dahil maayos na si Andre.

"Sige susunod ako, may dadaanan lang ako." Sabi ko

"Sige hihintayin ka namin." Sagot nilang tatlo. Itong mga 'to talaga.

♥♥♥♥♥♥♥

Nang makarating ako sa bahay nila Lilac, nandoon na sila sa may pintuan ng bahay niya. Kaya lumapit ako sa kanila.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon