010 || I made her smile

337 5 0
                                    

Kean's POV

Nakatigtig lamang kami sa mata ng isa't isa. Walang imikan. Kumikinang yung mata niyang malachocolate ang kulay. Mas lalo siyang gumanda. Umiwas siya ng tingin. At namula. Kahit medyo madilim, kita parin ang pamumula ng pisngi niya.

"Is there something on my face? My dumi ba ako sa mukha?" pagbasag niya ng katahimikan. Iwas parin ang tingin niya.

"Nothing." mahina akong tumawa tsaka ko inabot ang buhok niya at ginulo ko.

"Ayish! Hmp." tsaka siya tumawa ng mahina

"Tara?" Pag-aaya ko sakanya tsaka ako nasimulang maglakad palayo.

"Huy saan ka pupunta?!" Sigaw niya.

"Coffee." tipid kong sagot.

Naglakad ako uli palayo sakanya.

"Sama ako!" Sigaw niya habang papalapit sakin. I smirked.

"Tara na." tsaka kami pumunta sa coffee shop na pinakamalapit.

Pumasok kami at ang aroma ng cape ang unang bumungad samin. Amoy na amoy ang freshness ng coffee na ginagawa nila kahit gabi na.

"Wow! Ang bango." sabi ni Lany na parang bata. 

"So anong gusto mong order?" Tanong ko sakanya ng nakangiti.

"Surprise me." Ngiti niya uli sakin.

Nagorder na ako at sabi ko kay Lany na hindi na namin iinom sa loob kaya dinala ko sa labas, nakasunod lang siya sakin. Nang makalabas kami, binigay ko sakanya yung inorder ko.

"Eto oh, isang strawberry caramel macchiato." Sabi ko at iniabot ko sakanya.

"And again, you surprise me with your choice of coffee." sabi niya tsaka siya natawa.

"Well you said you liked strawberries too." At natawa na rin ako.

Naglakad lakad kami habang umiinom ng cape. Hindi siya ganon kadilim dahil sa mga ilaw na galing sa poste at mga sasakyan na nadadaanan namin. Puno ng bituin ang langit. Kaya may naisip nanaman akong magandang idea.

"Wanna see something amazing?" at tinignan ko siya. Nagtataka siyang tumingin sakin.

"Trust me. You'll love it." At nilahad ko ang kamay ko para sakanya.

Nung una, nag aalangan pa siyang sumama, I gave her my most sincere smile. She took my hand and she gave me that smile. Yung ngiti niyang pag nakita mo, mapapangiti ka na rin.

Hinila ko siya at sumakay kai sa isang taxi.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sakin.

"You like surprises, don't you?" Sabi ko sabay kindat sakanya.

Umiwas siya ng tingin sakin. Namula ang pisngi niya.

"Kung ano man trip mo ayus-ayosin mo baka masapak ka sakin." Sabi niya. Natawa ako. Ganyan din kasi yung sinabi kahapon nung nagkakilala kami.

♥♥♥♥♥♥♥

Tinanong ko siya kung bat siya nag-iisa sa park kanina.

"Nag-aaway kasi yung bestfriend ko at ang boyfriend niya. Sasamahan dapat nila ako, pero nag-aaway sila kaya iniwan ko sila at pumunta ako dito." Sagot niya.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon