007 || The Tour

353 8 0
                                    

Kean's POV

I'm here at Dela Rosa University. I'm actually a bit late, and by a bit I mean half an hour pero it didn't exactly start at 8 am. Well good thing too, and another good thing is that Thalia was here. Well she wants to prove to Dad and Mom she can take responsibility for when she'll be the successor of the University.

There are a lot of transfer students here. I'm impressed, mas lalong sumikat at nagspread out ang kagandahan ng University. I guess Mom did a great job to get more students to transfer here, after getting good ratings from other students with big publicity. Since yung mga nag-aaral dito before ay may mga magagadang trabaho na at mga professionals na.

'Di ko siya masisisi. She's really good at sales talk. Also, the school's facilities are impressive. Kahit ang mga shareholders namamangha sa University kaya napakaraming gustong makapartner ang De La Rosa. Since hindi lang schools ang meron kami. De La Rosa is also famous for known hospitals. Dad really wanted me to be the successor of our hospitals, not the schools. But I really want to prove that I can be on my own.

"Look at your little sister. She's just like you and your father." Sabi bilga ni Mom at napatawa siya ng mahina.

Tinignan ko naman si Thalia. Siya ngayon yung nagdidiscuss sa harap ng transferees tungkol sa history neto. Habang palinga-linga napansin ko na may mga bakanteng upuan. Sobra sa lima na bakanteng upuan. Nahuli ng mata ko ang isang babae na may hawak ng phone niya. Parang familiar siya. At ng maalala ko, nagulat ako ng iangat niya ulo niya. Yung kasama ni Lany kagabi yan ah? Ano na nga ulit pangalan niya? Inaalala ko pero nakalimutan ko na. Dito pala siya mag-aaral? Dito rin kaya mag-aaral si Lany?

Habang tumatagal, medyo nabobored na ako at magsisimula na sila sa tour kaya nagpaalam muna ako kay Mom na lalabas lang saglit. Tinignan ko ang relo ko 9:15 na. From 8 am naging 9? Palabas na sana ako ng may babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko. Di niya ako napansin at mukha siyang nagmamadali kaya nagkabanggaan kami.

"I'm sorry." sabi niya habang patayo tapos nang nagbow pa siya. Nang magtama ang mata namim nagulat siya.

"Kean?" Tapos para bang natauhan siya. "Kean! Hala! Sorry ikaw pala yan! At hindi mo pala suot ang contact lens mo ngayon." sabi niya sabay ngiti. Medyo nagulat ako ng makita siya, pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Tapos doon ko lang naalala na blue nga pala yung mata ko.

"Pano mo alam na contact lens lang yun?" Tanong ko sakanya.

"Eh kasi nung nag-uusap tayo nakatingin ako sa mata mo, parang hindi kasi natural ang histura ng mata mo." sabi niya, kaya naisipan ko siyang biruin.

"Ibig mo bang sabihin na nakatitig ka talaga sa mata ko kahapon?" Then I gave her a smirk. Hindi naman talaga ako ganito eh. Pero simula ng mag-usap kami naging ganito na ako.

Never kong pinagyabang ang hitsura, yaman at talino ko. Pero pagdating sakanya, di ko mapigilan na asarin siya.

"Psh. Hindi noh! Wag ka ngang assuming diyan? Napansin ko lang talaga." sabi niya sabay irap sakin. Tumawa lang ako ng mahina.

"Oo nalang diyan. Kung andito ka, ibig sabihin noon bago ka dito sa University, right?" Tanong ko sakanya.

"Yup! So I guess we're schoolmates. Bago ka rin dito?" Tanong niya sakin. Iniisip niya siguro na bago ako dahil andito ako. That gave mr a geat idea.

"Yup bago ako dito, aalis na nga sana ako eh." Sabi ko sakanya.

Tapos bigla niya akong hinila papasok uli ng campus. "Ano?! Ba't ka aalis?! Mawawala ka sa school na 'to kung hindi ka makikitour. Ang laki kaya netong school na 'to." Sabi niya habang palinga-linga.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon