016 || Couple Goals

272 7 1
                                    

Kean's POV

I woke up with a smile. May hangover pa ako sa mga nangyari kahapon. Napaisip nalang ako uli.

"I made her happy." Bulong ko sa sarili ko.

Bumaba ako para magluto ng kakainin ko nang makasalubong ko si Kuya Edwin. Mukhang nagulat siya.

"Master Rhoi, gising na pala kayo. Andito po sila young masters Andre, Lync At Michael." sabi niya at nagbow.

"Kuya Edwin,  Please drop the formalities. Ang aga aga nang aasar kayo." natatawa kong sabi.

"Yeah, alam ko. I just love doing it. Sabihin ko nagluluto ka ng breakfast." Patawatawa na rin siya tsaka bumalik sa living room. Loko din yung isang yun eh.

Nagsimula na akong magluto. Nagluto ako ng omelette, tapos gumawa din ako ng waffles. At syempre naglabas din ako ng cereals, alam ko na kumain na si Lync, since marunong din yan magluto, tinuruan ng girlfriend eh.

Sumilip muna ako sa sala, "Tara, kain na, I've cooked breakfast." pag-aya ko. Nang makabalik ako narinig ko si Andre na tumakbo, tuwang tuwa at sabik na sabik. Halatang di pa kumakain eh.

"Hmm! It smells like..... WAFFLES!!!" Kumislap ang mga mata niya ng dalhin ko sa lamesa ang 5 piraso ng waffles, at talagang kinuha niya sa ref at sa cupboards lahat ng syrup at mga toppings na pwede niyang ilagay doon.

"Kanino yun?" tanong ni Michael. Tinignan ko yung tinuro niya, yung tinabi kong waffles.

"Ah... Wala, dadalhan ko lang sana si Lany." sabi ko tsaka ko inilagay sa isang lalagyan, nilagyan ko ng strawberries at strawberry syrup at tsaka tinakpan.

Nang humarap ako sakanila, ang lalaki ng ngiti. "Bat ganyan ngiti niyo?" tanong ko sakanila. Nagtinginan lang sila, tsaka nagtanguan, na para bang nag uusap sila sa isip nila.

"She's the one mga pre." Sabi ni Andre tsaka naman tumango ang dalawa.

"Sino ang 'the one'?" Biglang sabi ni Kuya Edwin ng umupo siya sa tabi ni Andre.

Tapos nagbulungan na silang lahat. Ewan ko diyan sa mga yan.

♥♥♥♥♥♥♥

Today's the first day of school. At naalala ko na I said to Lany na I'm a transfer student there. Baka kapag nalaman pa niya sa iba na ako ang may ari ng school na yon, she might give me a pretty good hitting. Babatukan niya ako panigurado.

We're already on our way to school. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung excited ba akong makita si Lany or the fact na magpapakita ako sa buong campus ng walang disguise na suot.

Nang makababa ang tatlo sa kotse nila as usual ayun pinagpapantasyahan na silang tatlo, wala nang bago dun. Hindi pa ako bumababa pero kitang kita mo na yung dami ng babae na dudumog sakanila. Nagtext si Lync.

1 message from Lync

Lync: Wanna join the spotlight?

Tsaka ko siya tinignan. He gave me a smirk.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng kotse. Binuksan ko yung pinto, at parang tumahimik ata ang lahat. Tinignan ako tsaka sila bumulong.

"Wow! Sino siya?"

"Ang gwapo niya naman!"

"Para siyang artista..."

Bulong-bulungan nila. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung ano. Hindi ako sanay sa atensyon na binibigay nila sakin. Naramdaman ko nalang na nasa likod ko na sila Lync at binulungan ako na sakyan ko nalang raw 'to tsaka ngumisi.

I Fell For The Bitter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon